Kabanata 52 - Magkahiwalay na Landas

737 32 20
                                    


Kabanata 52 - Magkakahiwalay na Landas

1891

Ciudad de Santa Clara de Asis

---------


"SINO BA KAYO!? PAKAWALAN NIYO KO!!!" sigaw ko habang nagpupumiglas ako do'n sa mga nanghuli sa aki na panigurado akong sila Heneral Castellano iyon.

sabi ko na nga ba at mahuhuli nila ako dios mio, dapat pala hindi muna ako lumabas, patay nako nito paano na 'to?

"Tignan mo nga naman kapag talaga ako'y pinapalad, Catherina Montecillo tamang tama lang pala na naiwan ka dito" pangaasar na sambit ng nakaiinis na heneral sa akin.

"¡Date prisa y déjanos salir de aquí! (Bilisan niyo kailan natin siyang ilayo dito!)" nagpumiglas ako dahil tintakpan nila ang mata ko at ng makayanan kong alisin ang takip nila sa mata ko ay nakita ko na si Heneral Castellano nga, tama ang hinala ko.

"HAYOP KA!!! SINASABI KO NA NGA BA NA KAYO NA NAMAN ANG MAY PAKANA NG LAHAT NG ITO, ANO BANG GUSTO NIYONG MANGYARI SA PAMILYA NAMIN HA ANG MAMATAY!?" sigaw kong tanong sa kanya at nagwawala ako dito, wala na akong pakialam magmukha akong nababaliw dito.

"Marapat lamang na mangyari iyon sa inyo!" diretsahan niyang sagot sa akin at naikuyom ko 'yong kamay ko dahil parang pumintig sa tainga ko 'yong sinabi niya "Bilisan niyo! isilid niyo siya ngayon din!" utos niya do'n sa dalawang guardia sibil na nakahawak sa akin maigi.

Isisilid na sana nila ako sa isang sako ngunit nabitawan ako ng isa sa mga guardia sibil at kinagat ko 'yong kamay niya at akmang tatakbo ngunit kaagad akong tinutukan ng baril ni Heneral Castellano.

"Tatakas ka o nais mong dumanak ang iyong dugo sa kinatatayuan mo kahalintulad ng nangyari sa iyong kapatid?" pananakot niya sa akin at bigla akong napatigil sapagkat baka bigla na lang niyang ipitok 'yong baril na hawak niya.

Sila talaga ang may kagagawan ng pananambang sa amin. Hindi ko sila mapapatawad!

"Tandaan mo Heneral Castellano ang araw na ito, Isinusumpa ko na karma ang hahabol sa'yo sa lahat ng ginagawa mong kasamaan" galit kong sambit sa kanya.

"Dakpin siya at isilid sa sako ngayon din!" utos ni Heneral Castellano at kaagad naman akong hinawakan no'ng mga guardia sibil.

"HAYOP KA!!!" sigaw ko kay Heneral Castellano, sabay dura sa mukha niya na may halong plema.

Inalis niya 'yong laway sa mukha niya sabay bigay ng malakas na sampal sa aking mukha.

Aray ko, dios mio ang sakit kapag ako nakawala dito gagantihan ko ang hayop na iyan

"Magmadali! kailangan natin siyang ligpitin ngayong gabi!" talagang gusto nila akong patayin talaga.

"MGA HAYOP KAYONG LAHAT! KAPAG NAKAWALA AKO DITO AY IISA ISAHIN KO KAYO!" sigaw ko sa kanila at nilagyan nila ako ng panyo sa bibig ko para hindi ako makapagsalita,tali sa paa atkmaay upang hindi ako magpumiglas, isinilid na nila ako sa isang sako na para ba akong asong itatapos sa kung saan at naramdaman kong isinakay nila ako sa kalesa at umandar na kami.

-------------------------

Buong byahe ay ginawa ko ang paraan para makatakas ako ngunit paano ba naman akong makatatakas kung ang mga kamay at paa ko pati bibig ay nakatali? 

Nang kami ay huminto na ay ramdam kong ibinalibag nila ako palabas kahit nasa loob pa ako ng sako, tumama 'yong likod ko sa may bato at naramdaman ko 'yong sakit, inilabas na nila ako mula sa loob ng sako sabay tanggal ng tali sa bibig ko at kaagad na dumampi sa akin ang malakas na hangin.

The Unexpected 19th Century JourneyWhere stories live. Discover now