Kabanata 23 - Colegio De Santa Maria Magdalena

2.2K 83 17
                                    


Kabanata 23 - Colegio De Santa Maria Magdalena

8 de Hunyo de 1890

Ciudad de Santa Clara de Asis

Parroquia de Polo Santa Clara de Asis

"Lubos akong nakikiramay sa iyong pamilya Doña Corazon, katulad niyo ay nalulungkot din ako sa pagkamatay ng aking kaibigan na si Gobernador Santiago, dapat mabigyan ng katarungan ang kanyang kamatayan" wika ni Don Facundo Mondragon na ikinataas naman ng kilay ko at ikinakuyom ng kamay ni Crisostomo.

Nakapangkukulo sya nang dugo naiinis ako ANG PLASTIC!

Nasisikmura niya pang pumunta dito sa lamay ni Gobernador Santiago eh siya nga itong nagpapatay! napaka hayop niya nanggigil ako!

"Salamat sa pakikiramay Don Facundo akala ng buong pamilya namin ay hindi na kayo pupunta ngayon sa huling misa para sa aking asawa" wika ni Doña Corazon at pakiramdam ko gusto kong isigaw dito sa lahat ng tao na si Don Facundo ang dahilan ng pagkamatay ni Gobernador Santiago.

Lumapit si Don Facundo at ang kanyang asawa na si Doña Hilaria sa harap ng kabaong ni Gobernador Santiago, nasa likuran naman kaming dalawa ni Crisostomo.

Umurong kaming dalawa ni Crisostomo ng makita naming makikiusyoso sila kung patay na ba talaga si Gobernador Santiago sa loob ng kabaong, kung pwede ko nga lang silang itulak dito, kaso baka iskandalo lang ang mangyari kaya respeto na lang sa pamilya Santiago ang paiiralin ko.

May panahon din para malaman ng lahat ang tunay na nangyari kay Don Facundo at ako mismo ang magsasabi nun!

"Felipe aking kaibigan anong nangyari sa iyo? kung sino man ang may gawa nito sa iyo ay kailangan maparusahan!" wika ni Don Facundo at gusto ko siyang barahin sa mga sinabi niya at sasabihin ko " Kailangan mong maparusahan dahil ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang ating Gobernador!" nanggigil na talaga ako!

Narinig ko na parang umiiyak iyak pa si Doña Hilaria, wow naman pang best actress umaarte pa ang gaga, napaka plastic putek! sarap sabunutan at kaladkarin sa plaza!

Tinignan ko si Crisostomo kung ano yung reaksyon niya sa mga naririnig niya mula dun sa mag asawa, yung mukha niya ay nagpipigil din siya ng galit niya lalo na kay Don Facundo.

"Cris kumalma ka hindi pa ito ang panahon upang isiwalat ang lahat ng nalalaman natin" wika ko sa kanya ng pabulong, pabulong kasi baka marinig kami nung dalawa demonyo sa harapan namin.

"Anong nalalaman?" gulat kami ng biglang magsalita si Doña Hilaria, anak ng pating naman nitong matandang to? ang hina hina na nga ng boses namin eh naririnig niya pa rin kami? ano ba tainga niya tainga ng cheetah, tigre, leon o panther? na maaring makarinig ng kaluskos kahit malayo pa man ito sa kanila?

Sumusobra na sa akin itong babae na ito ah pasalamat siya marunong akong magpigil at pasalamat siya at nandito ako sa 19th century kung siya ay nasa panahon namin ay baka kanina ko pa siya nilampaso sa sobrang galit ko sa kanya.

The Unexpected 19th Century JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon