Kabanata 51 - Louisa Montecillo

1.2K 39 18
                                    

Kabanata 51 –

Ciudad de Santa Clara de Asis

1890

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nabasa kong liham mula kay Crisostomo kagabi, kinikilabutan pa din ako kapag naiisip ko 'yong mga nangyari kahapon. Hindi ako makapaniwala.

Kung totoong umalis kahapon si Crisostomo para ihatid ang mga kapatid niya sa Nueva Ecija, hala sino 'yong kausap ko habang ako umiiyak? Ano nababaliw na ba talaga ako para makausap si Crisostomo pero wala naman talaga siya kahapon? Mukha pala akong tangang kumakausap at yumayakap sa hangin kahapon? May paiyak iyak pa ako at pakwento kwento ng mga masasamang nangyari sa akina pero wala pala talaga akong kausap?

Kinikilabutan ako ngayon , ano ba 'to? Dinedemonyo na ba talaga ako? Lola Tasing nasaan ka na po ba magpakitra ka na sa akin sige na? Ikaw lang makasasagot ng mga katanungan ko.

(*baliktanaw kagabi*)

Pagkabasa ko no'ng sulat na iniabot sa akin ni Veronica ay mas lalong humangin ng malakas at sa bawat pagdampi ng hangin sa aking balat ay mistulang isang kilabot ang katumbas nito.

Nagsisitayuan lahat ng balahibo ko at napatingin ako sa paligid ko.

"Naniniwala ka na po ba sa akin Binibining Catherine?" Tanong sa akin ni Veronica at napahinga ako ng malalim.

Hindi ako makapaniwala sa mga nabasa ko hindi siya nag-si-sink-in sa utak ko.

"Veronica kung hindi si Crisostomo 'yong kausap ko kanina...." napahinto ako sa pagsasalita at napalunok laway "...sino 'yon?"  Wika ko pa sa kanya at nakaramdam na ako ng takot ngayon.

Nagkatitigan kaming dalawa ni Veronica at bakas din sa kanyangkha ang kaba na kanyang nadarama maski siya ay naguguluhan kung ano bang nangyari sa akin kanina.

"Hindi ko po alam Binibini, hindi kaya'y kagagawan ito n g isang demonyo na nais ka lamang paglaruan at lansingin sa iyong nakikita?" sabi ni Veronica at napatingin na lang uli ako sa sulat na aking hawak.

Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ito at nababalot ako ng kilabot ngayon at 

Sa labas, hindi kalayuan mula sa aming tinitirhan ay may isang babae na nakatanaw sa amin at nanlaki ang mata ko ng makilala ko siya.

"Lavinia?" Bulong ko at naging mabilis ang tibok ng puso ko sa kaba.

Napangiti pa ito na para bang isang demonyo at bigla siyang napahalakhak na akala mo ay isang impakta at tila unti unti siyang lumalapit sa amin at napansin kong siya ay nakalutang na lumalapit at hindi naglalakd kaya namn kinilabutan ako at napalaki ang aking mata.

"La-la? Ano pong sabi mo Binibining Catherina?" Tanong ni Veronica at nagmadali naman kaming umalis sa kinalulugaran namin pero hindi ko maalis kay Lavinia ang tingin ko para bang nakakandado ang tingin ko sa kanya.

"Halika ka na Veronica pumasok na tayo sa loob at hindi na maganda ang pakiramdam ko dito, ngayon din" pagmamadali ko sa kanya at at hindi ko maalis ang tanaw ko kay Lavinia at hinawakan ko ang kamay ni Veronica at dali-dali kaming pumasok sa loob ng bahay.

Pagkapasok ko ng bahay ay napahawak ako sa dibdib ko at ang lakas ng kabog ng dibdib ko na pakiramdam ko lalabas na 'yong puso ko sa sobrang lakas ng tibok nito, ang lalim ng bawat paghinga ko na akala mo nakipaghabulan ako sa aso.

"Ayos ka lang po ba Binibini? bakit bigla ka na lang pong parang nawala sa iyong sarili at nakaramdam ng takot?" Tanong ni Veronica sa akin.

The Unexpected 19th Century JourneyWhere stories live. Discover now