Kabanata 43 - Ngayon mo Sabihin sa akin

1.9K 70 23
                                    


Kabanata 43 - Ngayon mo Sabihin sa akin

1890

Hacienda Montecillo
Ciudad de Santa Clara de Asis

"Aray ko po!" reklamo nang masubsob ako sa katawan ni Crisostomo nang dahil sa kagaralgalan kong kumilos. Nakipag unahan pa kasi ako sa pag-bingwit ng isda.

Umayos kaming dalawa at mukhang nasaktan ko yata si Crisostomo nang tumama ang katawan ko sa kanya. Umayos agad ako ng upo baka kasi.may makakita sa aming dalawa at isipin kung anong ginagawa namin at bakit dito pa sa bangka, eh pwede naman sa tagong lugar.

Tsss! Ano ba naman iyang iniisip mo Cath! masyado kang advance mag-isip.

"Hala paumanhin Crisostomo kung tumama ang katawan ko sa iyo, halika tutulungan kita upang makatayo" paghingi ko ng tawad sa kanya kasi mukha tumama pa yung ulo niya sa upuan ng bangka at hindi niya lang ipinahalata.

Tutulungan ko sana siyang makabangon kaso kaya na niya ang sarili niya at umupo soya ng ayos sabay sapp sa likuran ng ulo niya na mukhang tumama sa upuan ng bangka. Dios mio baka mamaya may mamuong dugo sa ulo niya dahil mukhang malakas ang pagkakatama nito.

"Crisostomo mukhang nasaktan yata kita, ipagmaumanhin mo ang aking nagawa hindi ko naman nais na mangyari ito" paghingi ko ulit ng tawad sa kanya at lumapit pa ako sa kanya para suriin yung likod ng ulo niya baka kasi may dugo na pala na umaagos.

Ang OA mo naman Cath? Umaagos agad? Hindi ba pwedeng dumugo lang muna?

"Matagal mo na akong nasaktan..." bulong na banggit niya ngunit hindi ko naintindihan ito kaya napakunot noo ako at nagkatinginan kaming dalawa.

"Huh? Ano ulit yung sinabi mo?" Tanong ko sa kanya at napatawa lang siya ng kaunti.

"W-wala Binibini, ang ibig kong sabihin ay maayos lang ako at huwag ka ng mag-alala pa sapagkat hindi naman matagal itong sakit na ito, kaya ko naman itong pang hawakan hanggat kaya ko" tinaasan ko siya ng kilay ng marinig konyung sagot niya. Aba humuhugot ba siya? O may pinanghuhugutan siya? Wow ah?

Ilang segundo din kaming nagkatitigan na dalawa at napatawa na lang ako ng wala sa oras kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya.

"Ikaw talaga Crisostomo, palabiro ka talagang Ginoo" sambit ko sa kanya at napatawa tawa pa ako at natawa na rin siya "ngunit maayos na tanong nga? Wala ba talagang masakit sa iyo? Gagamutin kung meron ka man na sakit na nararamdaman?" Nag-aalala kong tanong ulit sa kanya.

"Wala Binibini ayos lang ako, kaya ko naman na itong mag-isa at hindi naman ito magiging malala at kung lumala man ito ay gagamutin ko ito kaagad upang upang mawala na ang sakit na aking nararamdam" binigyan ko siya ng "what the heck did you say" na tingin kasi ang wirdo niya? Nauntog lang siya tapos naging ganyan na magsalita?

"May pinagdaraanan ka ba Crisostomo? At bakit ka ganyan magsalita?" Patawa kong tanong sa kanya ngunit nawiwirduhan talaga ako sa kanya "humuhugot ka na lang pa bigla bigla?" ani ko pa sa kanya at napakunot noo naman siya.

"Humuhugot? Anong ibig sabihin nun?" Tanong niya.

"Humuhugot? Parang ano-- ahm... para siyang isang bugso ng damdamin na kapag nadala ka nun ay bigla bigla ka na lang magsasalita ng mga bagay bagay na may kaugnayan sa pag-ibig" paliwanag ko sa kanya at napatango tango pa siya.

The Unexpected 19th Century JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon