Kabanata 2 - Indio at Prinsesa

8.2K 224 181
                                    

(JoanaJoaquin hi ate dedicate ko sa inyo itong chapter na ito dahil sobra mo akong pinatawa sa mga comments mo sa chapter 1 hahaha 😍😊😂)

-------------------------

Kabanata 2 - Ang Indio at Prinsesa

Ciudad de Santa Clara de Asis
Hacienda Montecillo


9 de Mayo de 1890

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Naalipungatan ako ng may maramdaman akong humihipo sa akin.

Iminulat ko ang mata ko at iginala ang paningin ko kaso kakaunting liwanag lang ang nakikita ko at pakiramdam ko ang init ng paligid ko.

Wait? Nasaan ba ako? Nagshut down na ba ang kumpanyang meralco kaya madilim!?

Nakita kong may isang babae sa gilid ko at nanlaki ang mata ko kasi nagiging invisible siya sa dilim parang lumulutang yung damit niya at tanging maputing mata niya lang ang nakikita ko sa ulo niya na akala mo lumulutang

Siya yung babae kanina nung nasa ilog ako. Pero sandali nga!!!! Hindi kaya..........

"WAAAAHHHH!!!" sigaw ko at agad akong tumayo pumunta sa kabilang dako ng higaan. At nagpanic naman agad yung babae at akmang lalapitan ako. Hindi ko masyadong makita nag paligid dahil tanging gas lamp lang yung nagsisilbing ilaw sa buong paligid "NASAAN AKO!!!!" Sigaw ko at ginagala ko pa din yung paningin ko.

Hind ito ang kwarto ko!!!!!! At napansin ko yung soot kong damit. Waahhh bakit ako naka baro't saya? Hindi pa naman linggo ng wika ha!!!!

"Señorita Catherina! Huminahon po kayo huwag po kayong sumigaw!" Saway niya sa akin bang nilalapitan niya ako.

"HUWAG KANG LALAPIT!!!!" At huminto naman siya sa paglapit "SINO KA? BAKIT NANDITO AKO!? ANONG LUGAR ITO!? SIGURO KINIDNAPP NIYO KO NOH!? KYAHHHH!!!!" pagwawala ko at mas nagpunta ako sa pinakasulok ng kwarto yung tipong corner na ako ng kalaban at wala na akong kawala pa! Oh my God!!! Help me!

"Señorita kanina pa po kayo sa ilog. Hindi ko po maintindihan ang iyong sinasabi" reklamo nito sa akin at napasimangot pa ako aba ano gusto niya magenglish speaking speaking ako? Sabunutan ko kaya siya! Hindi pa nga niya sinasbai kung nasaan ako at anong lugar tong ginalawan ko ngayon!

Natatakot na ako jusmiyo!!! Ilayo niyo po ako dito!

"Ako hindi mo maintindihan? Bakit hindi ka ba makaintindi ng english?" Tanong ko s akanya a nakita kong napakunot noo siya at paramg naguguluhan sa mga pinagsasabi ko.

The Unexpected 19th Century JourneyWhere stories live. Discover now