Kabanata 13 - Paraan

3.6K 120 31
                                    


(Paumanhin kung yung pinakahuling bahagi ng Kabanata 12 ay bitin dahil ngayon ko lang nalaman na nag error yung kabanata na yun at nadelete ko pa yung softcopy ko kaya iyak ako!😭😭😭 kung kaya dito na lang sa Kabanata na to ang continuation nung biting bahagi na yun)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Kabanata 13 - Paraan

Ciudad de Santa Clara de Asis
Cueva del Amor

10 de Mayo de 1890

~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Sabihin mo na dali!" Wika ko sa kanya at umupo kami sa isang malaki bato at nakita kong napabuntong hininga muna siya.

Napatingin siya sa tubig na umaagos palayo sa'min at mukhang malungkot siya...... Nako mukhang hindi pala magandang idea na tanungin ko siya about sa minahal niyang babae.

"Ang pangalan niya ay Lavinia Ramirez" pani!ula niya "Musmos pa lamang ako ay kilala ko na siya at halos sabay kaming lumaki.......... nagsimula kami bilang magkalaro hanggang sa naging matalik ko na siyang kaibigan at siya din ang nalalabasan ko ng sama ng loob kapag napapagalitan ako ni Ina....... Masaya siyang kasama at hindi kami nagiiwanan" wow nagsimula muna pala sila sa pagiging mag-bestfriend? Ang galing ah.... Sa panahon ko kasi may mga ganyan na nagsisimula muna bilang magkaibigan eh.

"Matalik mo pala siyang kaibigan ganun?" Tanong ko pa sa kanya at tumango tango siya "Paano kayo nagkaroon ng ugnayan na higit pa sa pag-kakaibigan?" Tanong ko pa at nag-iba yung facial expression niya.

"Nagsimulang tumibok ang puso ko sa kanya nung nagbinata na ako at hindi ko muna sinabi sa kanya kasi natatakot ako na baka wala pala siyang gusto sa'kin" Hahaha! Torpe alert! Nageexist na pala ang mga torpe sa panahon na'to? hindi ako makapaniwala na ang isang Crisostomo Leonardo Santibañez ay isang dakilang torpe nung bata pa siya hahaha! "Subalit hindi na ako nakatiis at isang araw ay bigla na lang akong umamin sa kanya at laking tuwa ko na parehas pala kami ng nararamdaman sa isa't isa" Dios mio! Pabebe pala yang Lavinia na yan kailangan pa palang umamin ni Crisostomo para maging mutual sila, kaloka! "Naging masaya ang samahan naming dalawa at nagtagal ng dalawang taon ang relasyon naming dalawa ng walang nakakaalam maliban sa'ming dalawa" Ang gagaling? 2 years na secret on!? Wah! Anong sikreto nila para maitago nila ng dalawang taon na walang nakakaalam!? "Akala ko nung mga araw na yun siya na ang babae para sa'kin ngunit nagkamali ako...... Dumating yung araw na parang nawawala na yung init ng pagmamahal niya sa'kin at isang araw ay bigla na niyang sinabi na ayaw na niya at mas mabuting tapusin na lang namin ang relasyon namin bago pa malaman ng mga magulang ko" Huh? Masama bang malaman ng mga magulang ni Crisostomo na may iniibig na siya?

The Unexpected 19th Century JourneyWhere stories live. Discover now