Kabanata 28 - Kaibigan

1.7K 64 22
                                    

Kabanata 28 -  Kaibigan

Simbahan ng San Nicolas De Tolentino

Intramuros, Maynila

----------------------------

5:00 pm na ng hapon ngayon at nasa tapat na ako ng simbahan ng San Nicolas at tumanaw ako sa ikaapat napalapag ng tore nito at may napansin akong lalaking nakatayo dun. Sigurado akong si Crisostomo na iyon at hinihintay na niya ako.

Dali dali akong pumasok ng simbahan at hindi ako gumawa ng ingay at nagpalinga-linga muna ako bago ako pumanhik sa itaas ng tore ng masiguro kong walang nakatingin  sa akin.

Sa bawat paghakbang ko paakyat ay mas lalo akong kinakabahan at iniisip ko din ang mga maaring mangyari mamaya at panigyrado ako na magkakasakitan kaming dalawa sa mga bibitawan naming mga salita.

"Kaya mo iyan Catherine dahil ito na ang una at huling pagkakataon na kakausapin mo tungkol sa ung ano bang meron kayong dalawa" bulong ko sa sarili ko habang kunkalabog ng puso ko yung dibdib ko ng dahil sa sobrang kaba na meron ako sa puso ko.

Pagkadating ko sa ikaapat na palapag ay nasilayan ko ang lalaking pakay ko dito. Nakatalikod siya at katulad ng huli naming ginawa dito ay nakatanaw siya sa araw na unti unting lumulubog. Dahan dahan naman akong pumasok at isinara ko yung pinto.

At ng maramdaman niyang nandito na ako ay hinarap niya ako at mukhang nagulat pa siya sa akin.

"Magandang Hapon sa iyo Binibining Catherina sa wakas ay pumayag ka na rin na makipagkita sa akin" wika niya at nginitian niya ako.

"Magandang hapon din sa iyo Ginoong Crisostomo pumunta ako dito sapagkat nais ko nang matapos ang kung anong bumabagabag sa iyo" wika ko sa kanya at napayuko pa ako sa kanya.

Hindi kami makatingin ngayon sa isa't-isa ng maayos at nagkakahiyaan kaming dalawa. Ako naman ay nakaramdam ng pagkaguilty ng dahil sa ginawa kong pangiisnob sa kanyang mga sulat nitong mga nagdaang araw.

"Cathy..." panimula niya "kaya ko gustong makipagkita sa iyo ay nais ko lamang humingi ng kapatawaran sa nagawa kong paghalik sa iyo, hindi ko ginustong gawin iyon at labis akong nadala ng aking damdamin pati na rin ng aking puso" paghingi niya ng sorry sa akin at tinignan ko siya sa mga mata niya at mukhang sincere naman siya sa paghingi niya ng tawad.

"Cris wala namang problema sa akin yung ginawa mong paghalik, sa katunayan nga ay nagustuhan ko iyon" WAAAHHH! ano yung lumabas sa bibig ko? Dios mio! mukhang hindi inaasahan ni Crisostomo na lalabas yun sa bibig ko kaya naman yung reaction niya ay gulat at napangiti din siya.

Gosh! baka isipin niya na sarap na sarap ako nung halikan session na yun! Diyos ko po!

"Nakatitiyak ka ba sa iyong sinasabi Cathy?" paniniguro niya sa akin.

Tumango ako bilang tugon "...Sa katunayan niyan ay i-ikaw pa lang ang tanging Ginoo na nakahalik sa akin" nahihiya kong sambit sa kanya at napalunok pa ako sabay iwas ng tingin sa kanya. Nakakahiya na itong pinagsasabi ko kaloka.

Yes totoo siya first kiss ko sa tanang buhay in short siya nakakuha ng virginity ng labi ko. Pero yung halik na niya na iyon ay ang una't pinakamatamis na halik na naranasan ko. Masarp siyang humalik at sincere na sincere. Sabihin nating kapusukan iyon sa panahon na ito pero hindi ko maikakaila na ingat na ingat siya sa bawat halik na binibigay niya sa akin nung araw na iyon.

The Unexpected 19th Century JourneyWhere stories live. Discover now