New Beginning

14 1 0
                                    

Special Chapter
Chapter 1

Fray's POV





Naging payapa ang buhay namin. 4th year na sila Grey, at 3rd year naman kami nila Sanny. Hindi natuloy ang pagsali ko sa Popular Year, dahil binalik ni Sanny sa akin ang Korona. Madalas pa din naming makita si Danika, pero kung hindi irap, babangaan niya lang kami.








"Hay nako. Nawala nga si Danika, pumalit naman si Ava" naiinis na sabi ni Choco








"Senior natin sila" paalala ni Sanny.








"Hindi nga nila tayo tinuturing na Junior eh. Oo nga pala Fray, may plano ka na ba? Malapit mo ng ipasa ang korona mo" sabi ni Choco.








"Sa tingin niyo? Sino ang papasahan ko?" Tanong ko sa kanila.









"Gusto ko yung pambato ni Gerine" sabi ni Sanny









"Syempre dun ako sa pambato ko" sabi ni Choco.









"Ako? Feeling ko deserve nung pambato ni Tanya." Sabi ko. "Tas feeling ko, swimming club pa din ni Tew ang mag ka campus King" binatukan naman ako ni Choco









"Gaga ka, baka nakakalimutan mong lalaki ang representative ng Club mo" sabi niya









"Ay oo nga pala." Napakamot naman akp ng ulo.









"Oo nga pala, last year puro babae ang member ng cooking club. Bat ngayon, puro lalaki?" Tanong ni Sanny









"Huwag kayong mag isip ng kung ano, natural sa lalaki ang gustong matuto magluto" sabi ko.









"Weh? Ang alam ko, may 'Fray Celestina Tan' kasi sa cooking club, kaya dun sila pumupunta" sabi ni Choco. Umiling nalang ako









Nagtataka ba kayo kung bakit nasa akin pa din ang korona?









Last year, na disqualify lahat ng contestants. Kahit yung pambato ko. Kinancel ang Campus Queen and King last year, dahil sa isang pangyayari.









'150 Students caught cheating in Entrance Exam'









Nung inimbestigahan nila, kabilang ang mga candidates ng Campus Queen and King. Nag aaral pa naman sila dito, pero na disqualify sila sa contest, natanggalan din ng scholarship yung iba. Yes, scholarship. Dati, hindi tumatanggap ng scholars ang school. Purong anak mayaman ang tinatanggap sa school, pero nagsimulang magkaroon ng problema ang ibang schools, kaya simula nun ay tumanggap na din sila.









Kami na rin ang President ng clubs namin ngayon, busy na sila Danika dahil nga Graduating sila.









"Ey, Sanny. Nakakausap mo pa ba si Jacob?" Tanong ni Choco









"Oo naman" sabi ni Sanny









"Ikaw, Fray? Nagcha chat pa ba si Grey sayo?" Tanong ulit ni Choco. Tumango ako at pinakita yung convo namin ni Grey.









"May date kami mamaya" sabi ko.









"Bakit, Choco?" Tanong ni Sanny









College: My Club PresidentWhere stories live. Discover now