1 week after

15 1 0
                                    

Fray's POV










Bukas na yung trip, pero hindi pa rin kami nag uusap ni Grey. Siguro, mag uusap kami pero about sa competition or sa trip. Hindi rin siya nagme message sa akin











"Sumagot na ba, Kuya?" Tanong ko.











"Sanny, dalhin mo kay Grey yung questionnaire. Sa Club meeting nila sa Audi" sabi ni Kuya Czech











Hindi kami makapamili ng gagamitin kasi itong si Grey, nag pabebe pa, ayaw sagutan yung questionnaire.











Tatayo na sana si Sanny ng magsalita si Kuya Czech











"Huwag na pala" sabi niya. "Anong nilagay ni Fray na breakfast drink?" Tanong ni Kuya Czech











"Coffee" sabi ni Sanny











"Anong nilagay ni Fray sa meryenda?" Tanong ulit ni Kuya Czech











"Chocolate Mousse Cake, and Wintermelon Milktea" sabi naman ni Sanny











"Ganun din kay Grey ah." Sabi ni Kuya Czech. "Tara na, Fray. Mamili na tayo" sabi naman ni Kuya Czech. Natulala naman kami sa sinabi niya. "Nagchat si Grey, kung ano daw nilagay ni Fray, yun din daw sa kaniya" sabi pa nito











"Hindi umiinom ng coffee si Grey" sabi ko 











"Alam ko, pero yun yung sabi niya e." Sabi ni Kuya Czech.











"Kuya." Tawag ko sa kaniya











"Bigyan niyo nalang ng tubig si Grey." Sabi niya kila Sanny. " Okay ka na? Tara na at baka wala na tayong mabilhan." Sabi ni Kuya. Tumayo naman ako at kinuha yung gamit ko.











"Mamili na din tayo" sabi ni Pres. Jacob











_____

"Hindi pwede yan. Papangit yung cake" sabi ko kay Kuya. Tumawa naman siya











"Teka, Fray. Marunong ka ba gumawa ng Chocolate Mousse?" Tanong niya











"Isusulat ko ba yun, Kuya kung di ako marunong gumawa" sabi ko.











5 ang gagawin namin ni Kuya. Chocolate cake, Chocolate Mousse Cake, Yema Cake(yung gusto ng iba), Rainbow cake (di ko alam trip ni Pres. Jacob) at Cheese Cake.











Sa Milktea naman, 3 flavor lang. Nagbigay kasi ako ng option sa part na to. Chocolate, Classic or Wintermelon lang ang pwedeng pagpilian.











"Napaka daming cake naman kasi, dapat nagbigay ka din ng pagpipilian" sabi ni Kuya Czech sa akin











" May limang cake, hahatiin natin sa 8 yung isa. 40 slice yun. Edi may extra pa tayo in case na may magutom" sabi ko. Tinignan naman ako ni Kuya at tumango nalang, ginulo niya pa yung buhok ko.











"Nag uusap na ba kayo ni Grey" tanong ni Kuya sa akin.











"Nope" sabi ko, umiling pa ko sa kaniya











College: My Club PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon