Speech??

11 1 0
                                    

Fray's POV









Pagkalabas ng movie room ay sumakay na agad ako ng kotse, sumakay na din sila Choco.










"Thank you, Kuya" sabi namin kay Andrei na naglakad lang. Sa tindahan lang naman siya bibili.










"Mag ingat kayo, bumalik kayo agad" sabi niya. Tumango naman kami










"Paano natin to itatago mamaya? Sigurado akong hahanapin tayo nila Kuya Czech." Sabi ni Choco










"Kunyari, bumili lang tayo ng snacks. Iiwan natin sa kotse yung Soju, syempre. Tas lalabas nalang ulit, kunyari iihi. Ganun" sabi ko. Well, magaling talaga ako sa palusot na ganito.










____

Czech's POV










Hindi pa rin nagsisimula yung movie kasi may inaantay pa daw. Sila Tew, eh magsasalita pa daw sila ni Fray. Speaking of Fray, hindi pa pala siya nasasabihan.










"Grey, nasaan sila Fray!?" Tanong ko ng mapansin na wala sila sa kinauupuan nila kanina.










"Nakaupo lang sila kanina dyan e" sabi ni Grey.










"Tawagan mo nga si Choco" sabi ni Jacob kay Ivan










"Iniwan nilang tatlo yung phone nila" sabi ni Grey.










"Nasaan ka na naman, Sanny" sabi ni Jacob










"Humanda ka talaga sa akin, Choco" sabi naman ni Ivan










"Hanapin na natin sila" sabi naman ni Grey na halatang kinakabahan.










"Ang oa niyong mga jowa!" Sabi ng bagong dating na si Andrei.










"Nakita mo sila?" Tanong ko sa kaniya










"Bumili lang sila" sabi nito. Sumabay sa akin kanina.










"Saan sila bumili?" Tanong ni Grey










"Kumalma nga kayo! Babalik din agad yun" sabi ni Andrei.










_____

Choco's POV










Nagmadali na kaming mamili, kasi nakaramdam na kami ng masamang hangin. (Kinukutuban na kami ganun)









Nung makarating na kami sa bahay ni Grey ay nakasabay pa namin ang kotse ni Tew, kasama si Tanya 










"Oy, Fray. Nakapag handa ka na ng speech?" Tanong ni Tew kay Fray










"Speech?" Napanganga naman kami. Papasok na kami sa loob ng bahay ni Grey










"Mag iispeech daw tayo" sabi ni Tew










"Hala? Hindi ka nakapag handa" sabi ni Choco.










"Bahala na" sabi ni Fray.










College: My Club PresidentWhere stories live. Discover now