5VE

25 1 0
                                    

Choco's POV









"So, eto na yung kwento ko" sabi ko sa dalawang bruha na to, na kanina pa tawa ng tawa 









"Teka" kinuha ni Fray yung phone niya. 'Yes, Kuya. Pauwi na kami. Opo. Kasama ko sila Choco at Sanny. Dala ko yung kotse huwag kang mag alala. Yes. Byeee" sabi niya









"Sana all may kotse na" sabi ni Sanny.









"Kung malapit lang ang bahay ko katulad mo, hindi ako magkokotse." Sabi ni Fray. Malapit lang ang bahay ni Sanny sa school. Isang tricycle lang. Ako naman sumasakay ng jeep. Pero dahil may kaibigan kami na kailangan pang mag MRT or bus para makauwi, nakakalibre kami ng pamasahe. Oo, 18 palang siya pero marunong na siya mag drive. 16 palang siya nung natripan niya daw mag aral. Hanggang sa pwede na siyang kumuha ng lissensya. Actually, 19 na talaga siya, in denial lang. Ayaw aminin, may reason kasi kung bakit lagi niyang sinasabi na 18 palang siya.











"Oh sige ano yung ikukwento mo" sabi ni Sanny 











Sanny's POV









"Kasi ganito yan, maling grupo pala yung kinaharap natin kanina. Yung grupo ng Club President ni Fray" sabi ni Choco. Nagkatinginan naman kami ni Fray. "Narinig kong nag uusap yung mga babae kanina sa club. Sabi nila, '5VE' daw yung pangalan ng group nila. Obviously, lima sila. Swerte lang kami ni Fray dahil yung club Presidents namin is yung pinakamabait na miyembro ng grupong yun." Dagdag niya pa. "Swimming Club, Sports Club, Cooking Club, Dance Club at Music Club. Yung mga president nun ay miyembro ng 5VE. Pinilit lang sila nung leader at profs nila na mag lead ng isang club. Para mahirapan yung students, may something na ganun." Napatango naman si Fray habang ako nagtutuwa dito









"Ligtas pala ako" sabi ko. Nasa drama club kasi ako.









"Walang ligtas sa atin. Kasi lahat ng Club Presidents, may iba't ibang gang" sabi ni Choco na ikinagulat ko.









"Choco, wala ka na bang ibang ikukwento? Alam ko na lahat yan e." Sabi ni Fray na mas ikinagulat namin.









"Francis Natividad ang pangalan ng Club President mo, Sanny. Nasa gang/grupo siya ng Kuya ko" sabi niya.









"Bat di mo sinabi kanina na alam mo?" Tanong ni Choco.









"Di ko naman alam na mapupunta ako sa di ko kilalang gang. Kaya confident ako na iwan si Sanny kanina kay Kuya Francis kasi kilala ko yun." Sabi niya. "Alam ko din yung mga kinukwento ni Choco kasi kinuwento na nila Kuya sa akin." Nabatukan naman siya ni Choco









"BAT NGAYON MO LANG SINABI? NAPAGOD PA KONG MAGSALITA" sabi niya









"Gusto mong umuwi mag isa?" Tanong ni Fray sa kaniya. Natawa naman ako.









"Eto naman di mabiro, tara na. Saan mo pinark yung kotse mo?" Tanong ni Choco. Habang nakangiti na kami ni Fray sa kaniya









"Sa parking lot. Tara na" sabi ni Fray.








Fray's POV






Alam ko na ang mga clubs dito ay pinamumunuan ng mga leaders ng iba't ibang group. May tatlong grupo na kilala dito, ang grupo nila kuya, na 15th. Yung grupo ng Club President namin na 5VE at yung girl group na kilala ay Pretties.










College: My Club PresidentWhere stories live. Discover now