Clear Relationship

15 1 0
                                    

Fray's POV









"Hindi ako sigurado sa nararamdaman ko kay Jacob" napatango naman ako sa sinabi ni Sanny.










"Tatanungin kita Sanny, saan ka mas masaya, pag ikaw lang mag isa? O pag nandyan si Jacob" tumingin si Sanny sa akin at tumingin sa langit.










"Ibig sabihin ba nun gusto ko na siya?" Ngumiti naman ako










"Napapasaya ka niya di ba? Ibig sabihin magaan ang loob mo sa kaniya." Naka tingin na siya sa akin ngayon. "Hindi mo man siya mahal, pero importante siya sayo. Dadating yung panahon na malalaman mo yung dahilan kung bakit importante siya sayo" sabi ko. "Aalis na muna ko, hahanap lang ako ng pagkain." Sabi ko at umalis.










_____

Jacob's POV











"Hindi ako sigurado sa nararamdaman ko kay Jacob"










Narinig ko yung sinabi ni Sanny, inutusan ako ni Ivan na kumuha ng alak sa tent nila Bea. Kung saan di kalayuan nakaupo sila Fray, Choco at Sanny.










"Oh, tol! Ang tagal mo naman" sabi ni Grey sa akin na medyo maayos na ang pakiramdam.










"Ah wala, hinanap ko pa kasi yung tent ni Bea" dahilan ko, inabot ko sa kanila yung alak.










"Pre, paano pag yung babaeng gusto mo, este girlfriend mo, hindi sigurado sa feelings niya sayo?" Tanong ko kay Grey.










"Si Sanny? Gusto ka nun, huwag ka ngang matakot" sabi niya sa akin










"Eh pre, paano pag yung taong nagustuhan ko, lalaki?" Napabalikwas naman ako sa sinabi ni Ivan.










"Sabi ko na gusto mo si Choco e" sabi ni Andrei.










"Captain, yung asawa mo, patahimikin mo" sabi ni Ivan, actually mag asawa ang tingin namin kay Captain at Andrei kasi lagi silang magkasama. "Sa totoo lang, gusto ko talaga si Choco. Ewan ko ba, kahit saan ako mag punta hinahanap ko siya. Gusto ko siyang kasama. Gusto ko siyang mahawakan. Basta magulo" sabi ni Ivan










"Eh bat ka naguguluhan? Lahat ng sinabi mo, senyales na mahal mo na si Choco" sabi ni Grey










"Oo nga." Sabi ni Captain. "Alam ko kinakatakot mo" dagdag nito










"Hindi ako natatakot, dude. Si Choco yung natatakot" sabi ni Ivan










"Ang dali ng problema mo, dalhin mo si Choco dito." Sabi ni Andrei










"Kasama siya ni Sanny e" napatingin naman sila akin.










Si Sanny, na hindi sigurado kung mahak ako. Hay nako, Jacob.










"Ikaw, Grey?" Tanong ko, para mawala yung issue sa akin










"Ivan, paano mo nalaman na mahal mo si Choco. What I mean is, may ginawa ka ba? Or naramdaman mo lang!?" Tanong ni Grey










College: My Club PresidentWhere stories live. Discover now