Taken?

24 1 0
                                    

Fray's POV






"Ampon ba talaga si Fray?" Tanong ni Captain, lasing na siya kasi di na maintindihan yung sinasabi niya.







"Ang kulit ng itlog na to. Hindi nga" sabi ni Kuya Czech. "1 year old si Fray noon ng dalhin siya sa bahay ampunan nung katulong namin dati, kinidnap siya nun. Tas nalaman nila Mom, kaya nag asikaso sila ng adoption papers. Kaso nung lumaki kami ni Fray. Nalaman ng ibang tao na may adoption history yung pamilya namin. Kaya kumalat na ampon si Fray. Naipaliwanag na namin sa TV to e." Napakamot naman si Kuya Czech. Lasing na din siya







"Grey, tulungan mo ko, iakyat natin sila" sabi ko, si Grey nalang kasi yung natirang nakatayo. As in bagsak yung mga kasama niyang uminom. Hindi daw kasi siya nalalasing ng ganun ganun lang.







"Sa guess room nalang natin dalhin tong mga to" sabi niya. Tumango naman ako.







"Pero dalhin muna natin si Kuya sa kwarto niya."sabi ko.







"Dun ako sa kwarto mo matutulog." Sabi niya dahilan para mabitawan ko si Captain.







"Hoyyyy hoyyy hoyyy" sabi niya ng mapansin na malalaglag si Captain. Buti nalang at bumalik ako sa katinuan.








"Ah." Sabi ko at inayos ang pagkakabuhat kay Captain.








"Dadalhin ko muna si Czech sa kwarto niya" sabi niya. At umakyat na








"Fray." Tawag ni Captain sa akin.








"Bakit?" Tanong ko








"Gusto kita" sabi niya at bumalik sa pagkakatulog.








"FRAY!" tumakbo agad ako sa sumigaw na si Grey








"Anong nangyari?" Tanong ko. Nakita ko siya sa labas ng kwarto ni Kuya Czech, niyakap niya ko








"Dadalhin ko na sa guess room yung iba. Mag ligpit ka na dun." Hinila naman niya ko pababa. Ang weird lang








Kinuha ko naman yung lata at bote ng alak. Niligpit ko yun at naghugas ng pinggan.








Pagbalik ko sa sala, nakahiga si Grey sa sofa. Lumapit ako para tignan siya







"Akala ko pa naman di ka nalalasing." Sabi ko. Biglang dumilat si Grey at .......








"Grey!" Sabi ko.








"Huwag mo ng ilalapit sa mukha ko yung mukha mo ng ganun kalapit, hahalikan lang kita ulit" sabi niya at pumikit uli.








"Ninakaw mo yung first kiss ko" sabi ko at napadilat na naman siya.








"What's the point of reserving that? That's destine to be mine" sabi niya na ikinainis ko. Pinukpok ko ng pinukpok yung balikat niya








"Masakit, Fray." Sabi niya. Bigla niya kong hinila pahiga sa ibabaw niya. "Gusto mong matulog dyan?" Tanong niya na ikinainis ko. Tumayo naman at tumakbo papunta sa kwarto ko








_______

Fray's POV







Alas singko palang ng umaga ay gising na ko. Bumaba ako para icheck si Grey kung tumabi siya kila Kuya Mike. Pero natulog siya sa sofa.








College: My Club Presidentحيث تعيش القصص. اكتشف الآن