Choco and Sanny's Plan

18 1 0
                                    

Fray's POV








Lumapit ako kay Captain na kasalukuyang kausap si Andrei.








"Captain?" Tawag ko. Napatingin naman siya sa akin








"Oh, Fray. Happy Birthday" sabi niya.








"Thank you, ahh ehhh, naiwan mo kasi tong wallet mo sa kotse ko" sabi ko at inabot sa kaniya








"Oii, thank you" sabi niya.








"Ah walang anuman" aalis na sana ako ng pigilan niya ko.








"Fray" tumingin ako sa kaniya. "Free ka ba bukas?" Tumango naman ako.








"After class. Bakit?" Tanong ko








"Sabay tayo mag lunch bukas" sabi niya








"Kasabay ko lagi sila Choco at San---" pinutol naman ni Choco yung sasabihin ko.








"Okay lang kami. Sige na sumabay ka na bukas sa kaniya." Sabi ni Choco. "Aantayin ka nalang sa parking lot" bulong niya sa akin.








"Pero..." May sasabihin pa sana ako ng hilahin ako ni Sanny.









"Oh di ba? May option ka na?" Sabi ni Sanny pagkabalik namin sa pwesto namin kanina








"ANONG OPTION?" nagulat kami ng biglang sumulpot si Grey sa likuran nila Sanny








"Wala wala" sabi ni Choco.








"Hahalikan kita pag di mo sinabi" sabi ni Grey sa akin. At sa mga sandaling ito, nagtataka na ko kung siya talaga yung kababata ko.








"HUWAG MONG SABIHIN" sigaw ni Sanny. Actually kilala ko yan. Gusto niya lang makita na halikan ako ni Grey.









"Option lang daw ako" sabi ko at umalis.



_____

Choco's POV







"Choco, pwede kitang makausap?" Tawag sa akin ni Pres. Ivan, nakaupo siya sa harap ng mga pagkain.









"Bakit, Pres?" Tanong ko.









"Gusto mo ba to?" Tanong niya









"Alin, Pres?" Tanong ko naman









"Na sumali sa Campus King and Queen" napatingin naman ako sa kaniya, as in titig na titig









"Opo, bakit niyo natanong" sabi ko at tumingin siya sa akin ng masama









"Handa kang magpakalalaki?" Nagulat ako sa sandaling iyon









"Alam mo?" Tanong ko. Tumango naman siya.









"Sinabi ni Czech sa akin. Natatakot siya na baka napipilitan ka lang" sabi niya









"Actually Pres, nung una ayaw ko po talaga, kaso narealize ko na ang daming benefits pag sumali ako" sabi ko. "isa na dun yung makikita kita araw araw" bulong ko sa sarili ko.









College: My Club PresidentWhere stories live. Discover now