Competition

16 1 0
                                    

Czech's POV









Kukunin ko na si Fray









"Kuya" tinawag ako ni Fray habang kumakain yung iba









"Fray" sabi ko









"Balik tayo dito, next year" ngumiti naman ako sa kaniya









"Oo naman" sabi ko kaso...









Kukunin ko na si Fray









"Fray" tawag ko ulit sa kaniya, habang tumitingin siya sa paligid









"Bakit, Kuya?" Tanong niya









"Gusto mo bang pumunta ng Amerika?"









______

1 week after ...









Fray's POV










"Bakit!?" Tanong ni Sanny kay Choco.









"Ewan ko" patuloy na hinahanap ni Choco yung sash ko.










Nandito kami sa dressing room ng mga contestant. And yes, today is the day. Campus King and Queen Competition.










"Fray, sash mo yun, bakit ayaw mong hanapin!?" Tanong ni Sanny. Kanina habang nagbibihis ako, nawala yung sash ko. Pero hindi ko hinahanap










"Hayaan niyo na" walang gana kong sabi.










"Hindi pwede" sabi ni Choco










"Are you ready to meet our Candidates!?" Sigaw ng host










"FRAY OH!" sigaw ni Pres. Jacob habang hawak yung sash ko, pinalo naman siya ni Sanny










"Akala namin nawala na yung sash ni Fray" sabi ni Choco










"TARA NA" Sigaw nila Carlo sa amin.









"I'm Jimwell Perez, representative of Martial Arts Club" sabi ni Jimwell na nasa stage na. Nakasuot siya ng pang Martial Arts










"I'm Sanny Vera Asuncion, representative of Drama Club" madami ding nagcheer kay Sanny. Nakasuot siya ng pang actress na damit. Yung nga suot sa mga theater










"I'm Tanya Ann, representative of Art Club" meron siyang apron na madumi at may dalang blueprint ata yun.










"I'm Jason Cruz, representative of Photography Club" may dala siyang camera at naka formal










"I'm Carlo Francisco, representative of Reading Club" may dala siyang libro.  Formal din ang suot niya










"I'm Alize De Vergara, representative of Calligraphy Club" formal naman ang suot ni Alize












"I'm Nicole Bialle, representative of Research Club" nakasuot naman to ng formal, like pag mag de defense ng research.










College: My Club PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon