Plan or Coincidence

28 1 0
                                    

Fray's POV











So, ibig sabihin. Magkakalaban kami? Este magkasama kaming tatlo sa competition.











"5pm, kayong tatlo. May photoshoot din." Sabi ni Kuya Czech. Nandito kaming apat sa sasakyan, pauwi na kasi kami.











"Kuya, sigurado ka bang hindi niyo plinano na paglabanin kami?" Tanong ko kay Kuya Czech. Naging interesado naman sila Sanny at Choco sa tanong ko.











"Di ko alam kung bakit si Choco ang pinili nila Ivan. Si Francis naman ang pumili kay Sanny. At sayo, si Jacob at Grey ang nagdesisyon nun." Sabi ni Kiya Czech











"Coincidence lang yun. Coincidence lang." Pinapagaan ni Choco yung pakiramdam niya.











"Ang gwapo mo nga daw kasi." Pang iinis ni Sanny sa kaniya











"Sanny, bakla ako. Okay?" Sabi ni Choco












"Bakla ka?" Tanong ni Kuya Czech. Tumawa naman kami ni Sanny











"Mukha ba kong lalaki?" Tanong ni Choco na may halong inis











"Akala ko lalaki ka" sabi ni Kuya. Lumakas naman yung tawa namin ni Sanny











"Gwapo ka talaga, Chocolate" sabi ko.











"Mukha na nga pinaglaruan ng nanay ko yung pangalan naming magkakapatid, mukha pang laruan yung kasarian ko" sabi niya at nanahimik nalang.











"Bye, Sanny side up! Mwa" paalam ni Choco kay Sunny.











"Ingat, Sanny" sabi ni Kuya











"Bye bye. Seee you tom" sabi ko naman, pinaandar ko na agad yung sasakyan











"Good thing na kasali kayong tatlo sa Campus King and Queen. Last year, pumunta kami sa Baguio para sa leadership. Di ko lang alam kung saan yung leadership ngayon. Pag uusapan palang." Napangiti naman si Choco dagil sa narinig.











"Anong ginawa niyo dun?" Tanong ni Choco











"Tinuruan kami kung paano maging mabuting leader. Kasi next year, kayo na ang Club V.President or President ng club niyo" sabi ni Kuya











"Parang nagugustuhan ko na yung Campus King thingy." Sabi ni Choco. " Oh Fray, dito na ko. Salamat sa ride. Sa susunod uli. Salamat Fry-d Chicken. Byeee" sabi ni Choco











"Kuya! Ngayon wala na yung mga kaibigan ko." Sabi ko. "Plinano niyo to no?" Tanong ko











"Hindi kami nagpa plano baliw. Go with the flow lang dapat." Sabi ni Kuya. Tinignan ko naman siya ng masama.
"Fine, sa part ni Sanny, aaminin kong plinano ko. Sa part ni Choco wala akong alam. Alam kong ikaw ang ipambabato ni Grey, para mainis ako. Alam kong hawak ni Francis si Sanny, kaya nung nagpilian ng partner, kinuha ko si Francis. Maganda si Sanny. Deserve niyang ipanlaban." Sabi ni Kuya











"Sabihin mo, kinuha mo si Sanny, kasi alam mong kaibigan ko siya. Pero Kuya, ipapangako ko sayo, bagsak ang plano mo, kasi ako ang mananalo" sabi ko.











College: My Club PresidentWhere stories live. Discover now