Popular Year

16 1 0
                                    

Sanny's POV

Lumipas ang 1 taon ay mas naging malapit kaming lahat. President pa rin sila Grey ng Clubs nila. Habang kami ni Tew ay patuloy pa din sa responsibilidad na iniatang sa amin.









"Ay gaga, magkaaway na naman kayo?" Bungad ni Ate Jessa sa akin. Kapatid siya ni Jacob na member din ng Cooking Club.









"Bakit, ate?" Tanong ko.









"Mainit na naman ang ulo ni Jacob. Kanina niya pa binabanggit si Fray. Sabi niya, kung hindi daw umalis si Fray, edi sana wala kaming problema sa club" sabi pa nito.









"Inipit kasi siya ni Danika, simula ng mamuno kami ni Tew" sabi ko at napayuko nalang









Si Danika pa din ang sinusunod ng lahat ng mga former presidents, siya pa din ang Queen, habang si Grey, minsan napang namin makitang nasa club. Kumuha kasi siya ng extra subjects.
Hawak namin ni Tew ang mga bagong participants each club. Kaya kahit anong gawin ko, hindi ko matulungan si Jacob.









Si Fray lang ang kayang kumalaban kay Danika, si Choco ay wala pa ring sapat na lakas ng loob para sugudin siya.









"Sabi ko naman kasi sayo, harapin mo si Danika" sabi ni Ate Jessa sa akin.









"Alam mong hindi ako katulad ni Fray, na sobrang lakas ng loob" sabi ko.









"Tsk, asan na yung mga permit!?" Biglang sulpot ni Jacob, mainit pala talaga ang ulo niya.









"Pakikuha nalang kay Jimwell" sabi ni Tew na kasalukuyang nasa printer.









"Napirmahan na ba ni Grey yan?" Tanong niya









"Hindi pa, last week pa naming huling nakita si Pres." Sabi ni Tew









"Edi sana, last week ginawa niyo na yan. Para di tayo naghahabol. Pag ako napag initan nanaman ni Danika. Di ko na alam gagawin sa inyo" umalis siya at pumunta sa table kung nasaan si Jimwell









"See!?" Sabi ni Ate Jessa. "Tandaan mong inaasahan ka ni Jacob" sabi niya bago umalis.









"Sanny, kung matatakot ka kay Danika, habang buhay kang aalipustahin ng babaeng yan"









Tama si Fray. Nasa Baguio kami ng bullyhin ako ng grupo ni Danika. Kung wala si Fray at Choco noon, baka isa na kong alipin ni Danika. Ngayon, si Choco nalang ang nagpo protekta sa akin.










"Alam mo? Hindi ko alam kung magandang ideya na ikaw ang Campus Queen"










Galit si Jacob sa akin, hindi ko sila maipagtanggol kay Danika. Oo, sinakop ni Danika ang lahat, wala kasing lumalaban sa kaniya na mas mataas. Kahit anong sabihin nila Jacob kay Danika, si Danika pa din ang nasusunod.










Ako, si Tew at Grey ang mga may karapatan na labanan siya. Naging komportable kami nila Tew, hindi namin alam na ang Presidents ng clubs ang inaatake niya dahil yun ang hawak niya.










College: My Club PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon