Comeback

11 1 0
                                    

Fray's POV








"Paano ka naman nakakasigurado dyan??" Tanong ko.









"Oh" inabot niya sa akin yung cellphone niya. Isang screenshot ang nakalagay sa screen









Pao: Eh? Desperado ka na ba talaga?
Zach: Matagal na kong may gusto kay Fray. Buti nalang at ipapakilala siya ni Choco sa kin
Vic: Tol, kaibigan mo si Choco, may tiwala sayo yun. Tas bababuyin mo lang yung kaibigan niya?
Pao: Tama. At saka, Ex ni Pres. si Fray
Zach: Edi mas maganda. Makakaganti ako kay Grey
Pao: Pre, huwag mong gamitin yung ex niya para maghiganti
Zach: Di niyo na ko mapipigilan. Magiging akin si Fray, pagkatapos ng pageant 









"Sinend sa akin ni Pao ang conversation nilang tatlo." Sabi ni Grey.









Sa pagkabigla ko ay nabitawan ko yung phone ni Grey at di napigilang maluha.









"I'm also desperate." Sabi ko. Niyakap ako ni Grey.









"You just want to open your heart" sabi niya









"I'm so dirty" sabi ko, habang patuloy pa din sa pag iyak.









"Hindi." Kinuha ni Grey yung kamay ko. "Nandito lang ako, Fray" sabi niya









"Ano ba kasi yung totoo?" Tanong ko









"Anong totoo?" Tanong ni Grey









"Gusto ko yung totoo" sabi ko, at tuluyang nawalan ng malay.









_______

Choco's POV









Magsisimula na ang party, pero di ko pa rin nakikita si Fray at Grey. Halos lahat ay nandito na.









"Ewan ko, kanina pa sila sa taas" narinig kong sabi ni Jacob kay Sanny.









"Nawalan ng malay si Fray, pagkatapos malaman yung plano ni Zach sa kaniya." Sabi naman ni Ivan









Oo nga pala, napaka walang hiya ng Zach na yun. May plano ngang masama sa kaibigan ko. Paano namin nalaman?










1 hour ago....









"Ikaw ba si Zach?" Tanong ni Kuya Czech sa kararating lang na si Zach, lumapit ako at tinanong kung anong problema









"Ayang lalaking yan. May pinaplano kay Fray" sabi ni Kuya Adrian









"Totoo ba yun!?" Tanong ko kay Zach. Umiling siya









"Eh ano to?" Ipinakita ni Kuya Czech yung isang screenshot ng conversation nila.









"Traydor ka, Pao" bulong ni Zach.









"Umalis ka na, Zach. Hangga't kaibigan pa yung turing ko sayo" sabi ko.









College: My Club PresidentWhere stories live. Discover now