Movie Party (1)

16 1 0
                                    

Fray's POV









Pagkatapos naming awatin si Choco ay bumalik na agad kami sa kinauupuan namin.









"So, let's call my future boyfriend. Ize Grey Drelton, Swimming Club President" sabi ni Danika









"Feelingera ka gurl!" Sigaw ni Choco. Narinig naman nila Danika yun.









"Ivan, awatin mo yung boyfriend mo." Sabi ni Grey. "A-agree na ko sa relasyon niyo" dagdag niya pa.









"Siraulo" sigaw naman ni Ivan.









"So, bago natin simulan yung movie, magbibigay lang ako ng advice sa ating mga bagong Campus Royalties. To Tew, bata ko to e. Congrats, dinala mo na naman ang pangalan ng swimming club. Paalala ko lang sayo, huwag ka masyadong magalit, kasi sobrang damibg problema ang lalapit sa inyo ni Fray. Andito lang ako para i guide kayo, to my Fray. Kahit anong mangyari, huwag na huwag kang maiinlove sa Campus King. Sasapakin talaga kita. Akin ka lang." Tinulak tulak pa ko ni Choco









"OH DANIKA, MAINGGIT KA" sigaw na naman ni Choco. Lumapit na si Ivan kay Choco at niyakap to 









"Babe, stop na" sabi ni Ivan.









"Sorry" sabi ni Choco









"To Sanny and Choco, alam kong palaban tong dalawang to. Halata naman no?" Sabi ni Grey. " Kay Lia at Czech kayo hihingi ng advice. Magaling yang dalawang yan mamuno." Dagdag niya









"Nagpapalakas sa Kuya ni Fray." Pang aasar nila Kuya Mike









"Hoy. Tahimik. Simulan niyo na yung movie" sabi niya at bumalik sa kinauupuan niya 









"Anong palabas!?" Tanong ni Choco. Nung kaming tatlo nalang ay inilabas na namin ang mahiwagang SOJU.









"Humanda na kayong maglambing bukas." Sabi ni Sanny.









"Huwag kayong magpahalata" kumuha si Choco ng baso.









"Tignan mo yang Danika na yan. Di talaga matuto." Sabi ni Choco, nakatingin siya kay Danika na kanina pa sinisiksik yung sarili kay Grey. Di naman ako nagagalit, alam ko ng may pinaplano yang babaeng yan









"Horror" sabi ni Sanny.









"Ay Horror talaga!?" Sabi ko










"Para makatsansing sa mga girlfriends" sabi ni Choco. "Naku Celestina, kunin mo na yung jowa mo dun" sabi niya pa









"Gaga, edi nalaman nilang umiinom tayo." Sabi ko









"Oo nga no!? Sige hayaan mo na sila." Sabi naman ni Choco.









_____

Wala pa sa kalagitnaan yung movie ay lasing na agad sila Sanny at Choco. Nakahiga na sila e. As in tulog na sila. Madami dami na kasi nainom nila.










"Napaka hina niyo talagang uminom" sabi ko. Nagulat ako ng tumabi sa akin si Andrei.










"Huwag kang mag alala, di ko sasabihin kila Grey" sabi niya at itinuro yung mga bote ng Soju.










College: My Club PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon