Danika's Unsuccessful Plan

17 1 0
                                    

Fray's POV






Magkakatabi kaming anim ngayon.
Jacob-Sanny-Choco-Ivan-Grey-Fray






Si Choco na ayaw bitawan yung jowa niya. Si Jacob na yakap yakap si Sanny at si Grey na inaantay lang akong makatulog.






"Fray, paano pag dumating yung araw na kailangan ulit nating maghiwalay?" Tanong niya bigla.






"Hindi na ko makikipagbalikan sayo" sabi ko






"Frayy!" Sigaw ni Grey sa tenga ko.






"Ano ba yan." Sabi ko.






"Ano nga!?" Tanong niya.






"Edi hiwalay. Kung kailangan talaga. Kung may iba pang rason, baka di ko na alam" sabi ko.






"May swimming ang Swimming Club sa Batangas, gusto mo sumama!?" Tanong niya 






"Hindi ko pa sure. Sinabihan kami kanina ni Sir Yervy, na magsisimula na next week yung work namin." Sabi ko 






"Kasama sila Danika sa Batangas" sabi niya






"Alam kong mahal mo ko. Nasa sayo lang yan kung lolokohin mo ko o hindi." Sabi ko at natulog nalang.






______

Sanny's POV






Nagising ako ng nakayap kay Jacob. Katabi ko si Choco na nakayakap naman kay Ivan. Ganun din si Fray kay Grey.






Tinignan ko kung anong oras na at alas 2 na ng madaling araw. Nakapatay na din ang pinapanood namin kanina na movie.






"Kukunin niyo lang si Grey" rinig kong nagbubulungan mula sa unahan namin. Si Danika at yung mga miyembro ng Reading Club.
"Eto, pampatulog, incase na magising si Grey, ipaamoy niyo lang. Nasa 2nd floor lang ang kwarto niya. Dun ako mag aantay" sabi ni Danika. Napaka demonyita talaga netong gaga na to.







"Grey!" Pinilit kong gisingin si Grey, maya maya ay tumingin siya sa akin







"Bakit?" Tinakpan ko naman agad yung bibig niya







"Makinig ka" bulong ko sa kaniya







"Hanapin niyo kung saan nakahiga si Grey, tandaan niyo, hanggang alas 3 lang ang misyon niyo" sabi ni Danika







"Basta yung usapan natin. Makukuha mo si Grey, sa akin si Fray" sabi ng isang pamilyar na boses.







"Hindi ngayon, pero makukuha mo din siya" sabi ni Danika 







"Anong gagawin natin?" Bulong ko kay Grey.







"Akong bahala" sabi ni Grey.







_______

Ginising ni Grey si Ivan at Jacob na kasalukuyang nagmamasid sa paghahanap ng mga lalaking to sa natutulog na si Grey.







"I love you" bulong ni Grey kay Fray at hinalikan pa ito sa noo. Nagkunyaring tulog si Grey at pumuwesto naman sa pinto si Jacob at Ivan. Tinignan naming maigi ang mga mukha ng nga lalaki pero sa di inaasahan, nakasuot sila ng itim na mask at nakasumbrero. Madilim ang paligid at tanging ilaw lang sa labas ng movie room na sumisiksik sa butas ng pinto ang tanging liwanag na gamit ng nga lalaking ito, upang hanapin si Grey sa daming tao sa loob ng movie room na to.







College: My Club PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon