Grey's Tears

13 1 0
                                    

Czech's POV



Makalipas ang isang taon. Pinili kong umuwi sa Pilipinas, mas komportable ang buhay ko dito. Nasabi na naman sa akin ni Mike na may mga vacant rooms pa naman sa dorm sa school. Katulad ng naiwan ko, bumalik ako sa classroom kung saan ko nakilala ang tatlo kong kaibigan at kung saan nabuo ang "15th".






"Oo nga, nasaan na pala si Fray? Full force na kayo pag bumalik si Fray" sabi ni Adrian







"Si Fray...." Biglang bumukas ang pinto ng Drama Club. Dito kasi kami pumunta pagkatapos makaharap sila Danika.







"Kuya Czech?" Sila Choco, Ivan, Jacob, Tew, Andrei at Captain. Na nagmamadali pa atang tumakbo dito. Tinext kasi kanina ni Sanny si Choco na nandito kami.







Niyakap nila ako.







"Tol! Antagal mong nawala" sabi ni Andrei.







"1 year and 9 months lang akong nawala Andrei" sabi ko 







"Almost 2 years" sabi ni Captain. Tumawa naman ako sa kaniya







"Kamusta naman kayo dito?" Tanong ko.







"Kami? Wala, normal pa din kami" sabi ni Jacob. Napansin kong napayuko si Sanny sa sinabi ni Jacob.







"Kuya, Kuya, namiss kita" sabi ni Choco.







"Nandyan si Ivan oh" sabi ko. "Hoy, Andrei at Captain. Kayo na pala? Tignan mo nga naman" pang aasar ko, nalaman ko kay Fray na nag ligawan pa ang dalawang to. (Side Story Alert!!!!)







"Wala e. Mahal ko e" sabi ni Andrei at umakbay pa kay Captain.







"Sabi kong huwag kang masyadong showy" masungit na sabi ni Captain.







"Puro couple naman dito" sabi ni Tew.







"Kayo ni Tanya!? Anong ganap?" Tanong ko.







"Ah kami? Wala, magkaibigan kami" sabi niya at umiwas pa ng tingin sa amin.







"Break na sila, Kuya" bulong ni Choco sa akin







"Tew and Sanny. Alam kong may problema kayo sa mga jowa niyo, pero hindi ibig sabihin nun ay hahayaan niyo na si Danika na pamunuan kayong dalawa. Mas mataas ang posisyon niyo kay Danika. Kayo lang ang pag asa ng mga club presidents. Tsaka si ...." Naputol ang sasabihin ko ng pumasok si Grey.







"Czech!" Nagmadali siyang lumapit sa akin at niyakap ako.







"Huy Grey. Ayos ka lang ba?" Tanong ko.







"Nasaan si Fray?" Ayun, si Fray agad ang hinanap, ako yung nandito oh?"







"Tol, di mo man lang kinamusta si Czech." Sabi ni Captain.







"Sabihin mo sa akin na gumaling si Fray" tarantang taranta ang tanong ni Grey.







"Kumalma ka, umupo ka muna. Ikukwento ko sayo" sabi ko.







Ringg. Ringg. Ringg.







Tumunog ang cellphone ko at may tumatawag.







College: My Club PresidentWhere stories live. Discover now