Official Couples

12 1 0
                                    

Choco's POV







Bago ang competition, nag usap kami ni Ivan na once na may makuha akong title, bibigyan ko na ng sagot/label yung relasyon namin.








"Ah, so ngayong araw na to, ang 1st day niyo as couple?" Tanong ni Fray








"Um..oo" sabi ko








"Babe!" Tawag sa akin ni Ivan.








"Teka! Kanina pa tayo magkasama, paano kayo nag usap ni Ivan?" Tanong ni Sanny, inakbayan naman ako ni Ivan.








"Bago ko kayo sunduin sa dressing room niyo kanina, dumaan si Ivan sa dressing room ko" sabi ko.








"Ahh. So, congrats" sabi ni Sanny sa amin.








"Kailan kasal?" Tanong ni Fray sa amin








"Mauuna kayo ni Grey!" Sabi ko.








"Baby, tara na sa loob?" Inakbayan din ni Jacob si Sanny at hinila papasok sa loob ng movie room na nilatagan nila Kuya Czech ng higaan 








______

Fray's POV








Nung magising ako ay nakayakap na ko kay Grey. Agad akong tumayo, pero nakatingin lang siya sa mukha ko.








"Mahal na mahal kita, Fray. Alam kong hindi ako sigurado noon. Pero ngayon alam ko na. Siguradong sigurado na ko na mahal kita" sabi niya, napaupo naman ako sa kama ng marinig ko yun.








"May girlfriend ka, Grey" sabi ko, umupo na din siya pagkasabi ko nun.








"Wala akong girlfriend, sinabi ko lang na nagkabalikan kami ni Reviez, pero hindi talaga. May boyfriend si Reviez, under ng Kuya mo." Sabi niya sa akin










"Bakit mo sinabi yun!?" Tanong ko









"Para pag selosin ka." Napanganga naman ako sa sinabi niya.









"Eh hindi naman ako nagselos?" Pag mamayabang ko.









"Kaya nga di ka nagselos, so anong use?" Tanong niya. "Pwede ba ulit maging tayo?" Hinawakan niya yung kamay ko.









"Magpaalam ka muna kay Kuya Czech" sabi ko.









"Nagpaalam na ko kay Tita at Tito, alam na din ng Kuya Frez mo, at nasabi ko na ang totoo kay Czech. Kanino mo pa gusto sabihin?" Napalo ko naman siya sa braso nung sabihin niya yun. "Mahal na mahal kita. Kaya nung sabihin mo na pauwiin ko si Frez dito, sinubukan ko. Kaso nagalit si Frez at balak kang dalhin sa Amerika." Napatingin naman ako sa kaniya. Ibig sabihin, dahil sa kaniya kaya ako gustong kunin ni Kuya Frez?









"Alam mo? Pahamak ka!" Niyakap naman niya ko 









"Sorry" sabi niya, at mas lalong hinigpitan yung yakap niya sa akin









"Hindi ako marunong magalit" paalala ko sa sarili ko.









"I love you"









College: My Club PresidentWhere stories live. Discover now