Chapter 10: This weird feeling...

6.2K 129 11
                                    

D e n n i s e

April 3, 1996

Palinga linga ako ngayon. Mangangalahati na ang program ng graduation program namin pero hindi ko pa rin nakikita ang mga magulang ko. Pati si ate Fille, si ate  na katulong namin sa bahay, wala. Expected ko naman na baka di makarating ang parents ko, gaya nung elementary graduation ko. Pero bakit pati si ate Fille wala? Sabi niya susunod raw siya kasi may pinaayos lang raw ang tatay ko. Halos napapaluha na ako dahil ilang tao na lang, ako na ang kukuha ng diplomat ko, pero wala man lang akong parent or garduian na kasama. May award pa naman ako.

Emcee: Dennise Michelle Santos

Inannounce na ang pangalan ko. Hahakbangin ko na sana ang hagdan pataas ng stage ng mag-isa ng biglang may humawak ng kamay ko. Tinignan ko kung sino yun at nagulat ako ng makita ko ang nanay ko. Sa tabi naman niya ay ang tatay ko. Sa likod naman nilang dalawa ay si ate Fille. Sinabayan ako nila Mommy at Daddy sa stage at sila rin ang nagsuot sa medal ko. Si ate Fille naman ang nagpicture sa'min. Tuwang tuwa akong bumalik sa upuan ko habang sila Mommy at Daddy naman ay naghanap ng mauupuan nila sa gilid kung saan nakaupo ang mga parents.

Ella: Besh, hindi naman sa bitter ako ah pero buti naman at nakarating ang parents mo despite their very busy schedule. Nung elementary graduation kasi, si ate Fille lang ang meron.

Den: Nagulat nga rin ako Besh. Akala ko mag-isa akong pupunta sa harap. Hindi pala. Dalawa pa silang dumating. Milagro na nga na may isang dumating sa kanilang dalawa eh.

Ella: Sus, di ka pa maging thankful.

Den: Thankful ako Besh. Pero di ko lang talaga inexpect...

Napatigil kami sa paguusap ng magsalita ang emcee.

Emcee: And now let us welcome on stage, the student council president and Batch 1996 Valedictorian, Alvy Castillo Valdez!

Nagsipalakpakan ang mga taong laman ng auditorium, mas lalo na ang mga kababaihan na may halo pang pagtili habang sinisigaw nila ang pangalan ni Alvy. Tig-isa isa ko silang tinignan ng masama. Wala silang karapatan na isigaw ang name ni Alvy, ako lang dapat. Luh? Kailan pa ako naging possesive? 

Ella: Besh, yang mata mo, para kang papatay eh.

Den: Eh pano ba naman kasi, makasigaw akala nila kung close sila ni Alvy. Ako lang pwedeng gumawa nun noh!

Ella: Wow! So Besh, kailan mo naman naging pagmamay-ari si Mr. President?

Napakunot naman ang noo ko. 

Den: Best friend ko naman siya ah! 

Ella: Best friend mo lang sya! Hindi mo siya pag-aari!

Den: OA lang besh?

Ella: Haha. Feel ko lang magdrama eh. Pero seriously, kung makaasta parang girlfriend ka ni Alvy ah.

Namula naman ako bigla. Bakit parang gusto ko naman yung sinabi ni Ella?

Ella: Oh, namula ka naman? Akala ko ba si Victor Galang ang one true love mo? Bakit parang nagbago ata ang ihip ng hangin?

Hindi na lang ako sumagot sa kaniya. Napasulyap ako sa pwesto ni Vic dahil nasa harap rin siya. May special award kasi siya bilang MVP. Nahuli ko siyang nakatingin sa'kin, pero ng mapatingin rin ako sa kaniya, agad siyang umiwas ng tingin. Bakit kaya?

The ER RomanceWhere stories live. Discover now