Chapter 9: I miss you

5.6K 136 10
                                    

D e n n i s e

Den: Liza, ito oh, magkape ka muna.

Liza: Thank you po ate.

Inabot ko kay Liza ang isang kapeng hawak ko na binili ko mula sa vending machine. Nandito kaming dalawa ngayon sa rooftop. Inaya ko muna kasi siyang magkape dahil hindi siya mapakaling umupo lang doon sa room ng nanay niya.

Liza: Ate...

Den: Ano yun? 

Liza: Bakit po ganun? Lagi na lang may nasasaktan sa pamilya namin? Hindi na matapos tapos. Kung pwede nga pong ako na lang sumalo ng lahat ng pasakit nila mama, gagawin ko na. Pero ayaw ni kuya. Siya ang sumasalo sa lahat ng sakit. 

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko nga rin alam kung anong ibig sabihin ni Liza sa maraming nasasaktan sa pamilya niya. Nung lagi nga akong pumupunta sa bahay nila nung high school pa lang ako, naiinggit ako sa pamilya niya kasi sobrang saya nila.

Liza: Naawa nga po ako kay kuya. Lagi na lang siyang nasasaktan, nahihirapan. 

Nakatingin lang ako kay Liza. Umiiyak na siya kaya hinagod ko na lang ang likod niya tsaka ko siya niyakap. Kahit gustong gusto kong tanungin siya kung nas'an si Alvy, nanahimik na lang muna ako. 

Den: Shhh... Tahan na. May dahilan ang lahat. Siguro nga hindi mo alam kung bakit nangyayari ang lahat ng ito ngayon, pero malalaman mo rin sa tamang panahon. 

Liza: Ang daya po kasi eh. Sa dinami dami ng mga masasamang tao dito sa mundo, bakit ang pamilya pa namin ang laging nasasaktan?Wala naman po kaming ginagawang masama.

Niyayakap ko lang siya habang iyak siya ng iyak nang tumunog ang phone ko. 

Den: Excuse me lang Liza.

 

Kinuha ko ang phone ko at nakita kong may message galing kay Ella.

From: Besh Ella

Besh, gisng na si Mrs. Valdez...

Binulsa ko agad ang phone tsaka hinila si Liza pabalik sa room ni tita.

Den: Liza, gising na ang mommy mo.

Pagkarating namin sa room. Nagulat kami ng nakita naming nagwawala si tita habang pinagbabato niya ng kung anong gamit na mahahablot niya kay Dr. Park. Bakit? Anong ginawa ni Dr. Park?

Mom: Lumayo ka sa'kin!

Hindi naman umiilag si Dr. Park na may hawak na injection, sa mga binabato sa kaniya ni tita. Sinusubukan namang pigilan ni Ella si tita pero binabato rin siya kaya ito umiilag.

The ER RomanceWhere stories live. Discover now