Chapter 2: Reconvene

9.5K 159 4
                                    

Chapter 2: Reconvene

D e n n i s e

Den: Siya ba yung bagong talent na gustong gusto ni boss?

Ella: Besh, feeling ko nga mawawalan na ako ng trabaho ngayun eh... Pano ko na matatapos ang residency ko niyan? 

Den: Ano ka ba Besh! Think positive! May mali rin naman yung lalaking yun kasi basta basta na lang sumusulpot out of nowhere kung kailan pa tayo natataranta.

Ella: Argh! Pano na yan Besh? Pano na ko kakain niyan? Alam mo namang hindi ko kayang magutom diba?

Den: Ewan ko sa'yo Ella! Pagkain talaga ang iniisip eh...

 

Nandito kami ngayon sa rooftop, dalawa kami ni Besh. Hinahanda na rin namin ang mga sarili namin para sa sermon ni boss mamaya. Expect na namin na mabubulyawan niya kaming dalawa. Worse, baka palayasin niya pa kaming dalawa sa ospital na'to...

Ella: Fresh resident ba talaga yun? Ba't siya pa ang performing surgeon nung pasyente kanina? Si boss pa ang naging first assistant...

Den: Ewan... To think na naisalba niya ang ganun kacritical na pasyente with so much confidence. They say that it’s even a miracle that the patient is alive right now. I heard sa mga nurses kanina na isang genius cardio surgeon raw siya. Super in demand niya raw na doctor at maraming sikat na mga ospital ang gustong kumuha sa kaniya, pero it turns out na dito sa ospital natin ang bagsak niya...

Ella: Huy, maganda rin naman itong ospital natin ah. The best hospital in the whole country.

Den: Pero, may mas mga magagandang ospital sa ibang bansa. Alam mo naman kung gano kababa ang standards ng medicine ng Pilipinas eh... Buti na lang at top class ang ospital na 'to...

Ella: Tumaas na kaya!

Den: Alam ko Besh, pero compared naman sa Boston at Korea naman na pinanggalingan niya...

Ella: Kung sabagay may point ka... Ba't kaya siya napadpad dito no?

Den: Ewan... Baka naligaw lang ata...

Ella: Haha! Naligaw talaga? Hindi ba pwedeng trip niya lang muna?

Den: Ewan ko nga diba. Tsaka nakakainis siya!

Ella: Luh? Bakit naman? Bakit ka naiinis kay Mr. Handsome?

Den: Sus. Makapagsalita ka parang di ka nahigh blood kanina eh. 

Ella: Well, kanina lang. Pero nung pinapanuod ko siyang mag-operate kanina, tapos nakita ko pang super gwapo niya, nawala na lahat ng galit ko…

Den: Ewan ko sa'yo. Basta ako naiinis sa kaniya. Basta basta na lang kasi sumusulpot eh. Akala niya kung sinong magaling.

Ella: Magaling naman talaga siya. 

Den: Hay nako Besh! Umagree ka na lang kaya!

Ella: Kahit kailan talaga... Ang bitter mo parin...

The ER RomanceWhere stories live. Discover now