Chapter 31

4K 192 34
                                    

Chapter 31


TITUS


"Tara na, sakay na. Hindi na tayo dadaan pa sa tarangkahan." malalim at seryosong saad ni Milo sa akin habang inaalalayan ako papasakay sa walis tingting na may mahabang tungkod.

Alas-tres na ng hapon kami nagising dahil agad din kaming nakatulog ni Milo kanina sa kweba. Sobrang haba ng pagpapahinga namin dahil na rin siguro sa labis na pagod ng aming byahe. Saka kumakalam na ang mga sikmura namin dahil wala pa kaming kain kagabi pa. Hindi ko alam kung bakit ngayon lang kami nagutom dalawa.

Agad naman akong sumampa sa kanyang likod. Napakagat ako ng pang-ibabang labi dahil marahan na inilagay ni Milo ang aking mga braso upang mapayakap sa kanyang matigas na tiyan. Nakapagpalit na kami ng damit at iniwan ang aming mga uniporme dito sa kweba.

"K-kakain ba muna tayong dalawa o pupunta na tayo sa bahay?" pagtatanong ko sa kanya.

Tumawa siya ng mahina "Kumain muna tayong dalawa sa Bayan at mamasyal. Ang tagal ko na rin hindi nakakauwi rito sa Slavia. Balita ko marami na raw nagbago rito."

Ngumiti ako "W-wala naman. Ganoon pa rin, payak at simpleng pamumuhay lang. Halos wala naman nagbago sa loob ng tatlong taon." sagot ko naman.

Wala nang sinayang na oras si Milo at pinalipad na ang sinasakyan namin walis tingting. May kainitan sa buong paligid kaya naman may dala-dala kaming sapin sa mukha. Isa itong tela kung saan tinatakpan nito ang aming mukha. Tanging mga mata lamang namin ang nakalabas.

Ilang minuto namin binaybay ang gubat at walang kamintis-mintis kaming nakapasok sa Bayan ng Slavia ng hindi dumadaan sa tarangkahan. Doon muli kong nasaksihan ang payak na pamumuhay ng mga tao roon. May nagsasaka, may nag-aararo ng mga kalabaw. May nagtatanim ng mga palay at iba pa.

Kahit simple lamang ang pamumuhay ng mga tao rito sa aming Bayan, may parte pa rin ito kung saan nagtutungo ang mga mamamayan upang magsaya matapos nila magtrabaho. Dito sa aming Imperyo ay pantay-pantay ang tingin sa lahat at ang tao. Mahirap man o mayaman, lahat pantay ang karapatan.

Nadaanan namin ang ilang mga bata na naglalaro sa labas ng kanilang mga bahay at ng makita kami ng mga ito ay hindi sila nag-atubiling kumaway sa amin. Mukhang tutungo kami sa sentro ng Bayan kung saan makikita ang iba't-ibang kainan, bilihan o kung anu-ano pa.

Natanaw din namin ang ilang kabataang lalaki na nagsasanay gamitin ang kanilang mga sariling mahika. Naalala ko tuloy na lagi akong tinutukso noong mga bata pa kami dahil walang mahika na lumalabas sa akin. Mabuti na lang at lagi kong kasama si Milo noon at lagi niya akong pinagtatanggol.

"Narito na tayo." maikling saad ni Milo at dahan-dahan na ibinaba ang aming sinasakyan sa isang gilid.

Ito ang pinaka-abala na parte ng Slavia. Maraming tao ang nagtitipon dito upang bumili ng mga gulay at pagkain. Marami rin ang mag-aaral ang nagtutungo rito dahil malapit lang ang pinakamalaking paaralan sa buong Bayan. Halo-halo ang mga tao rito, may mayayaman, may mga kaya sa buhay at mahihirap.

Napangiti ako nang alalayan ako ni Milo habang bumababa ako sa sinakyan namin. Kitang-kita ko ang pagtitig ng ilang taong nakapaligid sa amin. Dito sa amin Bayan, hindi naman ipinagbabawal ang pakikipagrelasyon sa sariling kasarian. At sinusuportahan ito ng Imperyo kaya walang problema.

Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko dahil ikinubli ni Milo ang kanyang mga daliri sa pagitan ng mga daliri ko. Mariin at mahigpit niyang hinawakan ito. Dahan-dahan kaming naglakad at iniwan lang namin sa isang tabi ang kanyang walis tingting. Hindi ko nakikita ang kanyang reaksyon dahil mas nauuna siyang maglakad sa akin.

Grimoire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon