Chapter 50

2.2K 145 25
                                    

Chapter 50


TITUS


Tumawa siya ng mahina "Mabalik tayo sa ating diskusyon, ang limang bituin na ito ay nagsisimbolo ng limang pangunahin na elemento. Ang apoy, hangin, tubig, lupa at kidlat."Bahagyang nanliit ang mga mata ko "A-Ano pong ibig niyong sabihin, P-Punong Maestro?" nangangamba kong tanong sa kanya.

"Ibig sabihin, ang iyong Grimoire o ang aklat na may limang bituin ay maaaring kontrolin ang limang pangunahin na elemento sa mundo." seryosong sagot niya sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ako makapaniwala sa mga narinig. Ano? Maaaring kontrolin ng aking Grimoire ang limang pangunahin na elemento sa mundo? Maaari kong kontrolin at manipulahin ang apoy, hangin, tubig, lupa at kidlat?"A-Ano?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Kaya may ipapakilala ako sa'yo na maaaring tumulong sa iyong pagsasanay, alam kong matagal mo na silang kilala. Pumasok na kayong tatlo." mahinahon na wika ng Punong Maestro.Agad naman na bumukas ang pinto ng silid sa likod kung saan iniluwan nito sina Kisumi na malawak ang ngiti, si Levi na patuloy pa rin sa pagbabasa ng libro at si Io na tahimik lamang na nakatitig sa akin.

"Magandang hapon po sa inyo, Punong Maestro." sabay-sabay nilang pagbati rito. Pinalapit naman sila ng Punong Maestro sa aking harapan. Kahit ako ay nagtataka kung anong gagawin ko kasama sila. Saka nasa ikatlong taon na sila at magtatapos na sila sa dulo ng semestreng ito.

Ngumisi sa akin si Kisumi at mabilis akong kinindatan. Bagagyang nakataas ang kulay laman ng salmon niyang buhok habang ang kanyang maliit na asul na mga mata ay mariin akong pinagmamasdan.

Habang si Levi naman ay isinara ang kanyang libro at humarap sa akin. Ang kanyang kulay kayumangging buhok ay bahagyang natatakpan ang kanyang mapupungay na berdeng mga mata. Tipid siyang ngumiti sa akin.

Si Io naman ay seryoso at tahimik lang. Wala pa rin akong mabakas na emosyon sa kanyang kulay lilang mga mata. Ang mala-kulay pilak sa puti na kanyang buhok ay maganda ang pagkakatali. Nilingon naman niya ang braso kong may benda.

Huminga ng malalim ang Punong Maestro "Sila ang tatlong estudyante na nangunguna sa kanilang taon. Sila rin ang tagapagmana ng ilang pangunahin na elemento. Nasa kanilang pangangalaga ang mga Grimoire na may apat na bituin."

Tumango naman ako kung saan ipinakita nilang tatlo sa akin ang kanilang mga Grimoire. Kahit matagal kong nakasama itong sina Kisumi at Levi ay hindi ko pa nakikita ang mga ito na gamitin ang kanilang mga Grimoire.

Si Io naman ay hindi ko rin napapansin. Ang alam ko lang ay pinagaling niya gamit ang mahika niyang tubig ang mga paso ko noon at siya rin ang nagdala sa akin sa Pagamutan ng mawalan ako ng malay sa Hapag Kainan.

"A-Ang gaganda ng mga disenyo ng mga Grimoire ninyo!" wala sa sariling saad ko habang manghang-mangha na pinagmamasdan ang mga ito.

Ang Grimoire ni Kismumi at kulay berde na may limang ginintuang bituin sa bawat kanto ng pabalat. Mayroong manipis na pagkakaguhit ng elemento ng hangin kung saan animo'y gumagawa ito ng kalat na hangin sa paligid.

Habang ang kay Levi naman ay kulay dilaw na may kayumanggi. Ginto rin ang apat nitong bituin. Nakaburda ang ilang itsura at disenyo ng mga bato at lupa. Animo'y makakakita ng ilang malalaking bitak ng lupa sa palabat ng kanyang Grimoire.

Ang kay Io naman ay kulay asul. Mayroon din mga ginintuang bituin sa maganda nitong pabalat. Naka-pinta rito ang magandang disenyo ng tubig na animo'y nagmimistulang napakalaking alon ng karagatan.

Grimoire AcademyWhere stories live. Discover now