Special Chapter 5

925 60 17
                                    

Special Chapter 5

TITUS


Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin "Alam mo bang mas mahal kita?" mapang-asar na wika niya sa akin at dali-dali niyang akong binaligtad at pinahiga sa kama.

"M-Milo!" nahihiya kong sigaw sa kanyang pangalan.

Ngumisi siya at umibabaw sa akin "Gusto mo bang maulit muli ang ginawa natin kagabi?" natatawang saad niya at dahan-dahan tinanggal ang butones ng kanyang pang-itaas.

Napahinto siya sa kanyang ginagawa habang ako naman ay mabilis na napatingin sa pinto nang marinig namin na may kumatok. Agad naman akong tumayo at dali-daling nagtungo roon. Ramdam na ramdam ko ang init ng pisngi ko.

Wala talaga akong kahihiyan at gusto namin gumawa nang kababalaghan sa mismong Palasyo ng Emperador. Naalala ko tuloy noong may nangyari sa amin sa loob ng Damabana ng mga Grimoire.

"Titus! Buksan mo 'tong pinto niyo! Narito na sina Io, Levi at Kisumi!" rinig kong malakas na sigaw ni Ruhk sa likod ng pinto habang kumakatok ito nang marahas.

Inayos ko naman ang aking sarili at ganoon din ang ginawa ni Milo "P-Palabas na!" nahihiyang sigaw ko pabalik.

Pagbukas ko ng aming pinto ay agad itong iniluwa si Ruhk. Mas lalong namula ang aking mukha nang panliitan niya ako ng mga mata at tinignan mula ulo hanggang paa. Rinig ko ang mahina niyang pagtawa.

Nanlaki pa ang mga mata ko nang maramdaman kong hinawakan ni Milo ang aking bewang at tumabi sa akin. Mas lalong ngumisi Ruhk at pakiramdam ko ay kung anu-ano nanaman ang pumapasok sa kanyang isip.

Mas lalo pa akong nahiya nang makita ko ang ilang kasambahay ng Palasyo na nasa likod niya. Napatingin naman ako sa lalaking nasa gilid ko na seryosong nakatingin kay Ruhk. Ang nagbabaga niyang mga mata ay animo'y mangangain ng buhay.

"N-Narito na sila?" natutuwa ngunit nahihiya kong sagot sa kanya.

Tinakpan ni Ruhk ang kanyang bibig "Oh! Mukhang nakaiistorbo ako sa inyong dalawa. Hindi mo naman sa akin na may mainit pala kayong gagawin na dalawa. Huwag kang mag-alala! Ipapaalam ko sa kanila na nagpapahinga ka." natatawang pang-aasar niya sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko "R-Ruhk!" mahinang sigaw ko sa kanya kasi maski ang mga kasambahay ay nagulat sa mga sinambit niya.

Ngumisi siya "Magpapaalam na pala ako. Magkita na lamang tayo mamayang gabi Titus. Siguraduhin mong makakatayo ka nang maayos mamaya..." dagdag pang-aasar pa niya sa akin.

Mas lalong namula ang buong mukha ko. Ganun na ba talaga kahalata sa aking mukha na gustong-gusto ko ang ginagawa namin ni Milo? Wala na akong mukhang ipapakita pa sa mga tao rito! Nakakahiya talaga!

Akmang sasagot pa sana ako ngunit agad na kumaway si Ruhk at dali-daling naglakad palayo. Agad na nawala ang mga kasambahay hanggang sa napansin kong lumiko na sila kasama ni Ruhk. Napakagat ako ng labi nang mas lalong humigpit ang hawak niya.

Mas lalong idinikit ni Milo ang aking katawan sa kanya. Ang kanyang nagbabagang mga mata ay mariin akong tinitignan. Animo'y nangungusap ito sa akin habang ang hindi ko maiwasan na mapatingin sa kanyang namumulang labi.

"Titus... Mas gusto mo bang silang makita kaysa makasama ako?" malalim na tanong niya sa akin ngunit may bahid ito ng lungkot.

Napasinghap ako ng hangin at hinawakan ang magkabila niyang pisngi "Oo gusto ko silang makita dahil ilang taon na kaming hindi nagkakasamang lahat..." malumanay na sagot ko sa kanya.

Nakita ko ang mariin niyang paglunok at animo'y nasaktan sa aking sinambit. Naramdaman ko ang unti-unting pagluwang nang kanyang pagkakahawak sa aking bewang at mabilis na iniwas sa akin ang kanyang tingin.

Grimoire AcademyWhere stories live. Discover now