Chapter 53

1.8K 141 16
                                    

Chapter 53


TITUS


"Dahan-dahan lang Titus. Atras, abante... Huwag mong pigilan ang tubig." tipid na saad sa akin ni Io habang inaalalayan ang kamay ko sa pagpapagalaw ng tubig sa aking harapan.

Napahinga ako ng malalim at dahan-dahan na inaatras-abante ang kumpas ang aking mga kamay. Mabagal ang pagsunod ng tubig sa bawat galaw ng aking mga braso dahil pakiramdam ko ay mayroon akong mabigat na bagay na dala-dala. Nanginginig na ang mga kamay ko sa labis na pagkangalay dahil hindi ko inaasahan na magiging ganito kahirap ang aking pagsasanay.

Apat na araw na ang lumipas matapos namin makarating sa mundo sa loob ng Grimoire ng Punong Maestro. Wala kaming ginawa sa loob ng apat na araw kung hindi ang magsanay na kontrolin ang elemento ng tubig na nasa aking harapan. Noong unang araw ay halos hindi ko man lang maingat ng ilang sentimetro ang tubig ng dagat.

Gumawa si Levi ng maliit na bahay gamit ang kanyang sariling mahika. Pinagpatong-patong niya ang malalaking tipak ng bato na nagsisilbi namin silungan kapag mainit na sa tanghali. Dito rin kami natutulog at malapit lang ito sa dalampasigan. May umuulan na biyaya sa mundong ito, nagising na lang kami na may mga pagkain at damit na pamalit sa tapat ng kubo namin.

"Kaya mo iyan Baby! Para sa future natin dalawa iyan!" nang-aasar na wika sa akin ni Kisumi habang walang pang-itaas na nagtatampisaw sa malamig na dagat.

Tumawa ng mahina si Levi "Ikaw talaga! Huwag mo na nga asarin si Titus! Nawawala sa konsetrasyon eh! Mamaya mapagalitan nanaman tayong dalawa ni Io." sabi niya habang pinagmamasdan kami mula sa buhanginan.

"Kayong dalawa talaga..." sagot ko naman.

Ala-sais pa lamang ng umaga at ginigising na ako ni Io upng sabay kaming mag-ehersisyo ng aming katawan. Tinatakbo namin ng dalawang oras ang dalampasigan habang papasikat ang araw. Natutuwa naman ako sa pagsasanay sa akin ni Io, iyon nga lang ay may kahigpitan siya sa pagtuturo. Pinagagalitan at pinagsasabihan niya ako kapag may mga mali akong ginagawa na tinalakay na namin.

Walang ginawa si Kisumi sa ilang araw namin na pamamalagi rito. Lagi niya pa rin akong inaasar at tinatawag na "Baby" kahit na hindi ko alam kung anong ibig sabihin nito. Si Levi naman ay tinuturuan ako ng mga leksyon na aaralin pa lamang namin sa mga susunod na araw. Ginagawa niya ito kapag tapos na ang pag-eensayo namin sa hapon habang nanonood kami ng paglubog ng araw sa dulo ng dagat.

May kainitan pa rin at mataas pa rin ang araw kahit na alas-tres na ng hapon. Dalawang oras na lang at matatapos na ang aming pagsasanay. Kaya kailangan kahit papaano ay magawa akong bago ngayon. Huminga ako ng malalim at kahit pakiramdam ng aking mga braso't kamay na bigat na bigat na ito ay nagpatuloy lamang ako sa pag-atras abante nito.

Tipid na ngumiti si Io "Iyan, ipagpatuloy mo lamang at unti-unti mo na rin nakukuha ang tamang galaw." saad niya.

Nanlaki ang mga mata ko na kahit maliit na tubig pa lamang ang napapaangat ko ay sumusunod na ito sa kumpas ng kamay ko kahit na napakagabal nito. Napakagat ako ng pang-ibabang labi ng dahan-dahan ibaba ni Io ang mga kamay ko kaya agad din na bumagsak sa dagat ang tubig na nai-angat ko. Ramdam na ramdam ko ang labis na panginginig ng mga kamay ko.

Pawisan ko siyang pinagmasdan "B-Bakit?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Ipahinga muna natin ang mga kamay mo. Lagi mong tatandaan na huwag mo pupwersahin ang isang bagay. Lahat ng aking abilidad ay matagal natin pinag-aaralan." malalim na sagot niya at inakay ako papunta sa buhanginan.

Ngayon ko lang naramdaman ang bigat ng katawan ko mula sa ilang araw namin na labis na pag-eensayo. Nanginginig pa rin ang mga kamay ko sa labis na pagkangalay nito. Sabay kaming umupo sa buhanginan at tumabi kay Levi na nagbabasa ng kanyang maliit na libro kahit na tirik ang araw. Hikahos naman ang aking hininga sa labis na pagod.

Grimoire AcademyWhere stories live. Discover now