Special Chapter 1

1.5K 91 41
                                    

Special Chapter 1

TITUS


"Titus at Milo, Kumusta na kayong dalawa? Sana ayos lamang kayo. Iniimbitahan ko kayong dalawa sa aking nalalapit na kasal. Nawa'y makadalo kayong dalawa dahil inaasahan ko kayo." mahinang basa ko sa liham na natanggap ko mula sa Mahal na Emperador.

Dalawang taon na nang mabalitaan ko mula sa liham na ipinadala sa akin ni Glenn na nakatagpo na niya ang taong pakakasalan niya. Ayon sa liham na ipinadala niya sa akin ay galing ito sa isang maayos na Pamilya sa Bayan ng Clarines.

Naging usap-usapan hanggang dito sa aming Bayan sa Slavia ang nalalapit na kasal ni Glenn. Masaya ako dahil nakatagpo na rin niya ang babaeng magiging kabiyak niya pang-habang buhay. Magiging makabuluhan pa lalo ang kanyang buhay.

Sampung taon na ang lumipas matapos koronahan si Glenn bilang ika-labing apat na Emperador ng Imperyo ng Wistalia matapos mayapa ng kanyang Ama. Sa edad na dise-otso siya ang pinakabatang Emperador sa buong kasaysayan ng Wistalia.

Hindi na naituloy pa ni Glenn ang kanyang pag-aaral sa Akademiya. Ilang araw lang matapos mayapa ang kanyang Ama ay siya na ang umupo sa katungkulan. Mabilis naman na tinanggap ng mga tao at mamamayan ang bagong Emperador.

Si Glenn din ang nagbigay katungkulan sa akin na maging bagong tagapangalaga ng mga Grimoire sa Dambana dito sa Bayan ng Slavia. At ito rin ang una kong taon bilang tagapangalaga nito. Labis akong nagpapasalamat sa posisyon na ibinigay niya sa akin.

"Handa ka na bang muling magtungo sa Bayan ng Clarines?" nag-aalalang saad sa akin ni Milo habang nakasandal ang kanyang ulo sa aking mga hita.

Ang kanyang nagbabagang mga mata ay mapupungay kong pinagmamasdan. Tumawa ako ng mahina at mahinang kinurot ang kanyang matangos na ilong. Ilang sandali pa ay marahas kong ginulo ang kanyang itim na buhok.

Huminga ako ng malalim "Sampung taon naman na ang lumipas. Alam kong kakayanin ko na." malumanay na wika ko sa kanya habang dahan-dahan na niyuko ang aking ulo upang banayad na halikan ang kanyang mapupulang labi.

Napapikit ako nang maramdaman kong sumunod si Milo sa ritmo ng aking paghalik. Animo'y mauubusan ako ng hininga dahil tuloy-tuloy lamang ang ginagawa namin. Hanggang sa naramdaman ko ang pagpasok ng kanyang dila sa akin.

Uminit ang mukha ko dahil pakiramdam ko ay nag-akyatan ang lahat ng dugo ko. Bahagyang tumulo ang malamig na pawis pababa sa aking leeg. Agad kong hinawakan ang kanyang mga pisngi at sinunod ang kanyang nais.

Dahan-dahan kong idinikit ang aking dila sa kanyang hanggang sa tuluyan kong pinasok ang kanyang labi. Lasang-lasa ko ang manamis-namis na prutas na kanyang huling kinain kanina. Ganoon din ang kanyang ginawa.

"M-Milo..." mahinang tugon ko sa kanya nang humiwalay kami sa aming paghahalikan. Mariin akong na napakagat ng pang-ibabang labi nang maramdaman kong dumampi ang mga daliri ni Milo sa aking bewang. Ilang sandali pa ay dahan-dahan niyang tinanggal ang aking pang-itaas na damit.

Ang kanyang nagbabagang mga mata ay mariin akong pinagmamasdan at tinititigan. Hindi maiwasan ng aking katawan na mapagalaw ng maramdaman kong marahan niyang pinapagapang ang kanyang mga mahahabang paitaas.

Habol na hininga niyang idinikit ang kanyang mga labi sa aking kanang tenga "Sa tuwing nakikita kong kinakagat mo ang iyong pang-ibabang labi, hindi mapagilan ng aking katawan na mag-init. Gustong-gusto kita..." malalim na bulong niya sa akin kung saan humahawi ang kanyang mainit na hininga sa buhok ko.

Napatingin na lamang ako sa kisame nang maramdaman ko na marahan niyang dinilaan ang aking dibdib. Hindi ko mapigilan na impit na mapahiyaw at mapasabunot sa kanyang buhok nang maramdaman kong kinagat-kagat niya ito.

Grimoire AcademyWhere stories live. Discover now