Chapter 25

3.9K 246 82
                                    

Chapter 25


TITUS


"Ang sakit ng balakang ko..." kagat-labi kong wika kay Ruhk habang marahan na hinihimas-himas ito dahil kanina pa ito kumikirot pagkagising ko.

Malakas pa rin ang buhos ng ulan sa labas kaya dito muna kami sa loob magkaklase. May aktibidad daw kaming gagawin upang maihanda namin ang mga sarili sa magaganap na unang pamantayang pagsusulit. Iilang pa lang ang tao sa klase dahil maaga pa naman.

Naningkit ang mga mata ni Ruhk habang pinagmamasdan ako na para bang sinusuri ang buong kalagayan ko. Kinunot pa niya ang kanyang noo at pinagkrus ang kanyang mga braso kaya bahagyang kinabahan ako. Ano nanaman kaya ang pumapasok sa isip ng lalaking ito?

Mahina niyang tinapik ang braso ko "Hinahanap kita kagabi sa kwarto mo at wala ka roon. Saan ka ba na nagsususuot? Akala ko ba mag-aaral tayo ng mg akda kagabi? Ghorl, ilang beses akong nagpabalik-balik doon. Kapagod kaya, duh." inis na sabi nito at inirapan ako.

Kinamot ko ang aking batok "M-may pinagawa lang sa akin iyong Maestro kaya malalim na ang gabi noong nakabalik ako sa kwarto. P-pasensya na, hindi ko naman sinadyang kalimutan iyon." nakangusong sagot ko at marahan na hinimas-himas ang kanyang braso.

Mahina niyang tinampal ang pisngi ko "Ghorl, huwag ako. Labas nanaman sa ilong 'yang pinagsasabi mo. Hindi mo ako maloloko dahil may nakakita sa'yo kung saan ka nagtungo kagabi." sumilay ang nakakalokong ngisi sa labi niya.

Napahinto ako sa sinabi niya kung saan mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. May nakakita sa akin? Ano kaya ang sinabi nito kay Ruhk? Hala! Paano kapag nalaman niyang nagtungo ako sa kwarto ni Milo kahapon? Sasabunin nanaman niya ako dahil dito.

"H-ha? W-wala akong alam sa sinasabi mo." patay malisyang sagot ko.

Muli niyang tinapik ang braso "Lokohin mo lelang mo Ghorl. Sinabi sa akin ni Io na nagpabalik-balik ka raw sa kwarto ni Milo. Anong ginagawa mo doon? Akala ko ba hindi ka na makikipagkita sa kanya? Magsabi ka ng totoo at huwag kang magsinungaling! Malakas ang pang-amoy ko."

Napabuntong hininga na lamang ako. Naikwento ko rin sa kanya noon matapos ang insidenteng akmang paglalaban nina Glenn at Milo. Ang mga nangyari sa akin sa ilang araw kong pananatili sa kwarto ni Milo. Saka ako rin mismo ang nagsabi sa kanya noon na hindi ko na ipagpipilitan ang sarili ko rito.

Iyon lang naman ang alam niya at wala ng iba. Hindi kasi ako komportable na ikwento sa ibang tao kung sino ba talaga sa buhay ko si Milo. Mananatiling nasa akin na lang iyon. Ayaw ko rin na malaman ng iba kung ano ba talaga ang namamagitan sa aming dalawa noon.

"H-ha? H-hindi naman ako nagsisinungaling ah." muling pagtatanggi ko sa kanyang akusasyon.

Ngumisi siya "Alam ko na kung bakit masakit 'yang balakang mo Ghorl."

"Talaga? Humingi na kaya ako ng halamang gamot sa pagamutan mamaya. Hindi ko alam kung hanggang kailan ang itatagal nito." sagot ko naman.

Tinusok niya ang tagiliran ko kaya agad akong napabalikwas sa pagkakaupo ko dahil sa labis na kiliti ko roon. Napakagat na lang ako ng pang-ibabang labi dahil mas lalong sumakit ang balakang ko sa biglaang pagkilos. Napailing na lang ako sa nakangising mukha ni Ruhk.

"Confirmed na confirmed Ghorl. Amoy na amoy ko sa malayo pa lang ang isang butas na pwersahang pinasok. Huwag kang mag-alala Ghorl ranas na ranas ko rin 'yan noong first time. Masakit talaga, halos ilang araw nga akong hindi nakalakad nun." dire-diretsong wika ni Ruhk.

Grimoire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon