Chapter 38

2.2K 164 22
                                    

Chapter 38


TITUS


"Ahhhhhhhhhhhh!" isang malakas na sigaw ang kumawala sa katawan kasabay ng pagkalat ng aking mahika sa aking paligid.

Marahas kong kinuha ang Grimoire ni Milo pati na rin ang kay Glenn dahil pakiramdam ko at tuluyan akong tinatawag nito. Agad na lumabas ang malakas na enerhiya na lumabas sa dalawang libro na hawak-hawak ko. Lumikha itong gumawa ng pagsabog kaya dali-daling nagtalsikan paibaba ang mga Kawal na nasa paligid namin. Habang si Glenn naman ay tuluyan na nawalan ng malay.

Nanginginig akong tumayo, hindi dahil natatakot ako sa Emperador ngunit mayroong namumuong galit sa dibdib ko. Hindi ko mapapatawad ang nilalang na ito kapag nawala si Glenn sa buhay ko. Ngayon na ang panahon upang maibalik ko sa kanila ang sakripisyong ginawa nila sa akin. Ako naman ang magtatanggol sa kanila at poprotekta gamit ang aking sariling mahika.

Dali-daling nagliwanag ang dalawang Grimoire na lumulutang sa harapan ko. Mabilis na kumalat sa buong paligid ang mga kumakawalang kidlat mula sa Grimoire ni Glenn habang naglalagbaglab ang apoy na mula naman sa Grimoire ni Milo. Kitang-kita ko rin ang pagliwanag ng mga bituin nito. Ramdam na ramdam ko ang malakas na enerhiyang tinataglay nito.

"Kung sa gayon, ito pala ang tunay mong kapangyarihan. Alam mo bang matagal na kitang hinahanap?" nakangising saad sa akin ng Emperador habang nakatutok sa akin ang matalim nitong espada.

Napatabingi ang aking ulo sa narinig. Pinanlakihan ko ito ng mga mata kasabay ng mabilis na paglipat-lipat ng mga pahina ng mga Grimoire sa aking harap. Nanginginig kong kinuha ang baton na ibinigay sa akin ni Glenn noon. Dali-dali kong itinutok ang dulo nito sa harap ng Emperador. Mabilis kong idinaloy ang aking enerhiya rito.

Huminga ako ng malalim at binasa ang salamangka na nakatala sa Grimoire ni Glenn "Laguna Blade..."

Dumagundong ang malakas na tunog ng kulog sa paligid. Kasabay ng unti-unting namumuong kidlat sa dulo ng aking baton. Isinentro ko ang aking tingin sa nakangising Emperador habang marahan na tinatangay ng hangin ang kanyang buhok. Isang maliwanag at mabilis na kidlat ang kumawala rito at dali-daling tinungo ang direksyon ng Emperador.

Walang paligoy-ligoy na hinarap ng kanyang matalim na espada ang kidlat na paparating sa kanya. Nang tumama ito, gumawa ito ng napakaalakas na pagsabog. Tumalsik ang aking katawan sa sobrang lakas nito at pinalayo ako sa Emperador ng ilang metro. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras ay binasa ko ang salamangka na nakasulat sa Grimoire ni Milo.

Nagningning ang mga mata ko ng mabilis na kumalat sa pinakadulo ng aking baton ang enerhiyang gawa sa apoy. Kahit na naglalagablab ito ay hindi ko nararamdaman ang init nito. Kumalat ang usok sa buong paligid ngunit kita ko pa rin ang anino ng Emperador na papalapit sa akin. Dahan-dahan itong naglalakad habang winawasiwas ang kanyang mahabang espada.

Suminghap ng ako ng hangin "Scorching Burst!" malakas na sigaw ko.

Mabilis kong ipinosisyon ang dulo ng kaing baton sa direksyon ng Emperador. Agad na naglabas ito ng nakasusunog na enerhiya na halos tumapat na sa aking mukha. Ibinuga ko ang napakalakas na apoy na pinaghahalong kulay pula at kahel sa kinatatayuan niya. Ngunit laking gulat ko ng tumama ito sa kanyang espada ay papunta sa aking direksyon ang mahika ko.

Nanlaki ang mga mata ko dahil ilang sentimetro na lamang ang layo nito sa akin ngunit bago pa ito tumama sa akin, agad na naglabas ng napakalakas na kidlat ang katawan ko. Muling gumawa ng napakalakas na pagsabog ang pagtama ng sariling mga mahika ko sa isa't-isa. Mabuti na lang at mabilis akong nakatalon sa kabilang bubong upang hindi ako tamaan ng pagsabog.

Grimoire AcademyWhere stories live. Discover now