Chapter 52

2.1K 130 8
                                    

Chapter 52


TITUS


"Ahhhhhh!" malakas na sigaw ko nang mapansin ko na nalalaglag kaming dalawa ni Io mula ere.

Napansin ko naman na naka-abang na sina dalawa sa ibaba. Agad naman na ginamit ni Kisumi ang mahika niyang hangin kung saan bumagal ang aming pagbulusok sa buhanginan. Napahinga ako ng malalim nang makababa kami ng maayos ni Io. Pakiramdam ko ay nalaglag din ang puso't kaluluwa ko sa mabilis na pagbagsak namin na iyon.

Napatingin ako sa isang uri ng katubigan na ngayon ko lang nakita ng totoo sa buong buhay ko. Naaalala ko ay nakikita ko lamang ito na nakaguhit aat nakapinta. Ito pala ang itsura ng isang malawak na dagat. Amoy na amoy ko ang kakaibang alat nito at naririnig ko ang pag-agos ng maliit na alon. Makikita rin ang papasikat na araw pinakadulong bahagi na nakikita ng aking mga mata.

"Manghaang-mangha ka Titus ah? Hindi ka pa ba nakaapunta sa dagat?" natatawang tanong sa akin.

Tumango ako "Ngayon lang ako nakapunta rito. Hindi naman kasi ako nakakapunta sa Bayan ng Tanbarun dahil malayo ito sa aming Bayan. Doon lang naman ata mayroong karagatan." sagot ko habang pinagmamasdan ang kanyang maliit na kulay asul na mga mata.

Tinatangay ng hangin ang kanyang kulay laman ng salmon na buhok. Napansin ko naman na inuunat-unat ni Levi ang kanyang buong katawan. Habang si Io naman ay inaayos ang kanyang nagusot na robang itim. Dumadampi sa aming mga balat ang pang-umagang simoy ng hangin na may kalamigan. Naaninag ko pa ang mga tagak na nagliliparan sa langit.

"Iba rin talaga ang imahinasyon ng Punong Maestro ano? Kopyang-kopya niya ang tunay na mundo sa labas. Ngunit nagtataka ako kung bakit sa lugar na ito niya tayo dinala." kalmadong wika ni Levi sa amin.

Bumuntong hininga si Io "Simple lang naman ang sagot. Ang lugar na ito ay madaling pagsanayan ni Titus. Narito ang dagat upang mas madali niyang magamit ang elemento ng tubig. Ganoon din ang sa inyo, mabato ang likod na bahagi at may kalakasan ang hangin sa buong paligid." malalim na pagpapaliwanag niya habang tinuturo ang batuhan na ilang metro ang layo sa amin.

Napatango ako sa sinabi ni Io. Totoong mas magiging madali sa akin ang paggamit ng kani-kanilang mga elemento lalo na't makikita ang lahat dito. Paminsan-minsan lang magsalita itong si Io ngunit lahat ng sinasabi niya ay may laman at ibig sabihin. Hindi mapagkakaila na magaling siyang mag-obserba ng mga bagay at pangyayari sa paligid niya.

"Iba talaga ang pag-iisip ng ikalawang estudyante sa buong klase at sa Akademiya. Nagtataka lang ako kung paano ka napapayag ng Punong Maestro na turuan si Titus, ni hindi mo nga ito ginagawa sa mga kaklase natin." nang-aasar na saad ni Kisumi habang nakangisi.

Napakagat ako ng pang-ibabang labi nang mapansin ko ang pag-iiba ng ekspresyon ng mukha ni Io. Kung kanina ay animo'y wala itong pakialam at blangko at ay nakakunot ang noo nito. Naamoy ko ang kakaibang tensyon na namumuo sa dalawang binata dahil nagsusukatan ng tingin. Nakaguhit sa mukha ni Kisumi ang malawak na ngisi.

Mariin siyang tinitigan ni Io "Wala ka nang pakialam sa gusto kong gawin. Kaya manahimik ka diyan at tanggalin mo iyang ngisi na nakguhit dyan sa mukha mo." iritadong sagot niya.

Akmang mang-aasar pa sana si Io nang agad na pumagitna sa kanilang dalawa si Levi. Napakamot siya ng batok na animo'y madalas nilang ginagawang dalawa ito habang si Levi lang ang umaawat sa kanila. Hinila palayo ni Levi si Kisumi at naglakad palayo habang ako naman ay lumapit kay Io upang pagmasdan ito. Halata pa rin ang inis sa kanyang mukha.

"Huwag niyong sayangin ang oras. Babalik na lang kaming dalawa ng lalaking ito mamayang tanghali at maghahanap kami ng pagkain at masisilungan. Kayong dalawa talaga, ang lakas niyong magpanggap sa harap ng Punong Maestro." malakas na sigaw ni Levi sa amin ni Io at dali-daling naglakad palayo kasama si Kisumi.

Grimoire AcademyWhere stories live. Discover now