Special Chapter 3

1.2K 78 17
                                    

Special Chapter 3

TITUS


"Ayos na ba ang inyong gamit mga Anak?" tanong sa amin ng aking Ama habang inilalagay ang aming mga kagamitan na dadalhin para sa paglalakbay namin patungong Bayan ng Clarines.

Ngumiti ang aking Ina "Pakisabi na lamang sa Mahal na Emperador na kami ay nagagalak sa nalalapit niyang pag-iisang dibdib." dagdag naman ng aking Ina habang inaayos ang aking buhok.

Tumawa ako ng mahina "Makakarating po ang inyong mensahe sa kanya, Ina." malumanay na saad ko sa kanya at hinalikan ang kanyang pisngi.

Lumapit ang aking Ama at inakbayan si Milo "Milo Anak... Ikaw na ang bahala kay Titus." malalim ngunit seryoso niyang wika rito.

Tipid na ngumiti si Milo "Huwag po kayong mag-alala Tatay Alexander at Nanay Tatania. Ako na po ang bahala kay Titus. Asahan niyo pong makakabalik kami rito sa Bayan ng maayos at matiwasay." wika niya sa aking mga magulang at mariin na hinawakan ang aking mga kamay.

Kitang-kita na sa aking mga magulang ang paglipas ng panahon. Unti-unting kumukulubot ang kanilang mga balat at nagkakaroon na rin sila ng mga puting buhok. Nababakas na rin sa kanilang mukha ang pagtanda.

Ano kaya ang itsura namin ni Milo kapag tumanda na kami? Hindi ko mapigilan na matawa sa aking isipan, siguro hanggang pagtanda ay mahilig pa rin si Milo na mag-ehersisyo ng kanyang katawan upang panatiliin ang magandang pigura nito.

Napasinghap ako ng hangin habang pinagmamasdan ang maliwanag na buwan sa aming ibabaw. Bilog na bilog ito at napakalaki. Napalilibutan rin ito ng mga nagniningning na mga bituin na animo'y nagmistulang karagatan sa kalangitan.

"Sige na at kayo'y maglakbay na. Baka tanghaliin na kayo ng dating sa Bayan ng Clarines." nakangiting saad sa akin ni Ina.

Tumango na lamang ako at nagpaalam na sa kanila, ganoon din ang ginawa ni Milo. Dahan-dahan niya akong inalalayan upang makasakay sa loob ng karwahe na magdadala sa amin sa Bayan ng Clarines.

Ang karwaheng ito ay ipinadala ng Mahal na Emperador kanina upang maging aming pangunahing transportasyon patungo sa Bayan ng Clarines. May apat na kabayo sa harapan habang ang buong karwahe ay gawa sa ginto.

Napahinga ako ng maluwag dahil malambot ang kutson na upuan. Agad naman na tumabi sa akin si Milo ang niyupyop ang kanyang ulo sa aking balikat. Tumawa ako ng mahina kasi animo'y isa siyang bata na nakasubsob sa akin.

Pinitik ko ng mahina ang kanyang noo "Ang laki-laki mong bulas." natatawang saad ko sa kanya.

Tipid siyang ngumiti at pinagmasdan ako gamit ang kanyang mga nagbabagang mga mata. Agad ko naman na inilapit ang aking labi sa kanya at binigyan iya ng mabilis na halik. Mabilis na namula ang kanyang mukha.

Akmang aalis na sana ako upang makaupo ng maayos nang marahan niyang hawakanang likod ng aking ulo at muling idinikit ang aking mga labi sa kanya. Binigyan niya ako ng isang malalim at halik na punong-puno nang pagmamahal.

Humiwalay siya sa aming paghahalikan "Malayo pa ang ating lalakbayin. Kinakailangan mong bumawi ng pahinga dahil wala tayong tulog kagabi pa." malalim ngunit maloko niyang wika sa akin.

Tumawa na lamang ako ng mahina at isinandal ang aking ulo sa kanyang matipunong balikat. Ang lalim na ng mga mata namin dahil wala kaming tulog kagabi pa dahil kung anu-anong kababalaghan ang ginagawa naming dalawa.

Ilang sandali pa ay naramdaman na namin ang paggalaw ng karwahe na minamando ng dalawang kutsero sa labas. Dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata dahil antok na antok na ako. Hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.

Grimoire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon