Chapter 70

1.8K 133 9
                                    

Chapter 70


TITUS


"Handa na ba ang lahat? Aalis na tayo ng Akademiya." malumanay na saad ng Punong Maestro sa amin.

Isang buwan na ang lumipas matapos magtungo ng Emperador sa Akademiya. Sa loob ng isang buwan na iyon ay mas lalo kong sinanay ang aking sarili. Ito na nga ang araw na pinakahihintay ko. Limang araw na lamang mula ngayon ay ipakikilala na sa mga mamamayan ang susunod na tagapagmana ng trono ng Imperyo ng Wistalia.

Linggo ng gabi ngayon at sa biyernes magaganap ang napakalaking selebrasyon. Sa biyernes din kami magtutungo sa Palasyo ng Emperador upang kunin ang aking Grimoire. Sa loob ng isang buwan ay masinsinan kaming nagplano kung paano namin magagawa ito dahil may ideya na kami kung nasaan parte ng Palasyo ang aking Grimoire.

Marso na ngayon at sa susunod na dalawang linggo ay magaganap ng pagtatapos nina Io, Kisumi at Levi, pati na rin ang mga nakapasa sa ikatlong taon sa Akademiya. Noong nakaraang linggo ay naganap na ang aming huling pagsusulit at maayos naman ang naging resulta nito. Makakapagpatuloy pa rin ako sa pag-aaral sa susunod na semestre rito sa Akaademiya.

Tumango ako "Handa na po ang mga gamit namin Punong Maestro." nakangiting saad ko sa kanya.

Tumango na lamang sa akin ang Punong Maestro at sumakay na sa pinaka-unang karwahe. Tatlong karwahe ang magdadala sa amin sa Bayan ng Slavia. Ang una ay para sa Punong Maestro. ang pangalawa ay Para kay Maestra Raphaela at sa isang kasama nitong Maestro. Ang pangatlo ay para sa aming apat nina Io, Kisumi at Levi.

"Mahaba-haba pa lang byahe ngayon. Bukas pa tayo ng tanghali dadating nito sa Bayan ng Clarines." natatawang saad ni Kisumi habang kinakamot ang kanyang batok.

Ang kanyang kulay salmon na buhok ay bahagyang tinatangay ng pang-gabing hangin. Suot niya ang isang manipis na pang-itaas kung saan nakabukas ang dalawang butones nito sa itaas. Naka-ipit ang dulo ng kanyang pang-itaas sa magandang klase ng kayumangging pantalon na. Gawa naman sa matibay na klase ng balat ng hayop ang kanyang itim na bota.

Mahinang tinakip ni Levi ang aking braso "Mamaya, magpahinga ka muna habang tayo ay naglalakbay patungo sa Bayan ng Clarines. Para namubalik ang iyong lakas mula sa matindi nating pagsasanay nitong nakaraan." kalmadong wika niya sa akin.

Akmang-akma lamang sa kanya ang suot niya. Katulad ng kay Kisumi ay mapinis na puting pang-itaas ngunit abot hanggang palapulsuhan ang haba ng manggas nito. Sinamahan naman niya ito ng itim na pantalon ay mahabang itim na bota. Naka-ayos din ang kanyang kayumangging buhok. Ang kanyang luntiang mga mata ay mariin akong pinagmamasdan.

"Pumasok na tayo." matipid na sabi naman ni Io at inalalayan na akong makapasok sa loob ng magandang karwahe ng Akademiya.

Dinala na lamang nina Kisumi at Levi ang aming mga gabi sa likod na bahagi ng karwahe. Nagsisilbing ilaw sa loob ng karwahe ang magandang klase ng lampara na may mahika ng apoy sa loob. Malambot ang upuan sa loob pati na rin ang sandalan nito sa likod. Malinaw at malinis din ang salamin sa magkabilang bintana na maaaring takpan ng makapal na kurtina.

Ilang sandali pa ay pumasok na sina Kisumi at Levi kung saan umupo na sila sa aming harapan. Ang katabi ko ngayon ay si Io na tahimik lamang at nakasandalan ang ulo sa bintana. Maya-maya pa ay nagsimula ng gumawa ng ingay ang mga kabayo matapos itong hampasin ng nagmamaneho. Rinig na rinig ang paghampas sa lupa ng paa ng mga kabayo.

"Anong trabaho ang iyong papasukin kapag nakapagtapos na tayo?" tanong ni Levi s akanyang katabi.

Natawa ng mahina si Kisumi "Hindi ko pa alam kung anong gagawin ko. Para bang hihintayin ko na lang kung anong nakatadhana sa akin. Malay mo sa Imperyo pala ako makapagtrabaho."

Grimoire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon