18 - In The Still Of The Night

7.1K 154 17
                                    

Ssshhh...wag kang masyadong maingay!

Eh nasan ba kasi yun?

Nandito lang yun sigurado!

Eh bakit kasi hindi pa natin buksan ang ilaw?

Hindi puwede! Tiyak mapapansin ni kakang Sioning ang liwanag dito. Malamang sa hindi, babangon yun at pupunta dito! Nakakahiya naman kung maabala natin siya sa pagtulog niya.

Eh kesa naman para tayong magnanakaw dito. Kahit ito na lang flashlight ng celfone gamitin natin. Hindi na siguro tayo mahahalata na nanghahagilap tayo ng pagkain dito sa kusina.

Mamaya na lang kaya tayo kumain love? Tiisin na lang natin ang gutom, tutal 4 hours na lang at 5 o'clock na. Hintayin na lang natin siya magising. Sigurado, nagwawalis na yun sa labas ng mga oras na iyon.

Clark, gutom na talaga ako eh. Kung bakit kasi...

Napatigil si Alyssa sa paghahanap at matamang tinitigan ang nobya, may ngiti sa mga labi. Kung bakit kasi ano, love?

Kung...at anong iningingiti-ngiti mo dyan?

Wala naman. Gusto ko lang marinig ang sasabihin mo.

Kung bakit kasi...nakakagutom pala yun, ano? nahihiya nitong pag-amin.

Ha ha ha, ngayon ko rin lang nalaman! Lalo na kapag, ahm...ahm...

Eeekk! Valdez, stop! Ayoko na! Nakakahiya na talaga!

Lumapit siya dito at yumakap sa bewang. Sige love, ibubulong ko na lang. Itinapat niya ang bibig sa tenga nito at saka bumulong. Lalo na kapag paulit-ulit kitang inililipad dun sa itaas!

Valdez!

Love you, Lois!

Love you Clark!

Mabilis na naglapat ang labi nila at mabilis ding naging mapusok iyon. Hinapit ni Alyssa bewang ni Dennise at dahan-dahang itinulak ito hanggang mapasandal sa may counter. Yumuko siya ng konti at hinagilap ang binti nito sabay buhat para maiupo doon nang hindi naghihiwalay mga labi nila.

Clark.... narinig niyang tawag ni Dennise sa kanya sa pagitan ng pag-ungol nito.

Hhmmm...yes love?

Yung food....

Mamaya na sila. Gutom pa ako sa'yo eh.

Clark....

Hmmnnn...

Room...

Malayo kuwarto love...dito na lang. I couldn't get enough of you! Nakaka-addict ka pala!

Pervert!

Gusto mo naman!

Kagat sa labi ang isinagot ni Dennise sa kanya.

Aawww!

Sorry! Sorry! Masakit ba?

Sobra!

Naku Clark, sorry! I'll kiss the pain away!

Hahalikan na sana siya ni Dennise pero biglang bumukas ang ilaw at nagsalita si kakang Sioning. Ala'y bakit ga kayong dalawa'y nandito sa kusina?

Aaaahhhhh! sabay nilang sigaw.

Hoy Isang! Ako aré! Para kayong nakakita ng multo eh! Ano gang ginagawa nyo dito? Gusto nyo na gang kumain? At bakit ga walang ilaw eh hindi naman pundi ang bombilya?

AgainWhere stories live. Discover now