24 - The Past

6.9K 194 47
                                    

Hi Dad! Hi Mom! masiglang bati ni Dennise sa mga magulang habang pumapasok sa library room.

When she came home, hinanap niya agad ang mga magulang, pero sinabi sa kanya ng nakasalubong na katulong na magbihis na muna daw siya saka tumuloy sa library kung saan naghihintay ang mga ito.

She tried to act and sound happy kahit kinakabahan siya. Kumakanta-kanya pa nga siya at inaalala lahat ng happy moments nila ni Ysay bilang baon niya sa pagharap sa mga magulang. Aaminin na niya kasi ang tungkol sa kanila ni Alyssa. She requested a dinner with her parents tonight para ipaalam sa mga ito ang sitwasyon nila. Her girlfriend had done so much for her, it's time for Den to remove Ysay's fear totally. She owed it to her as she owed to tell the the truth to her parents.

Sit down Dennise, malamig ang boses ng daddy niya.

Biglang kinabahan si Dennise sa boses ng ama. And then she realized, something serious is to be discussed among them three. Nakaupo ang ama niya sa may visitor's chair at ang kanyang ina naman ay seryosong nakatayo sa likod nito. Magkahawak ang kamay ng dalawa at daig pa ang namatayan ang hitsura ng mga ito.

This was not how she planned to have her secret revealed. She wanted to say it over dinner where her parents won't surely make any scene in front of a meal.

Daddy?

I said sit down! tumaas pa ang boses nito.

She did and immediately, her fear started to doubly built up.

Tell me what's the meaning of this!!!! sabay tapon nito ng brown envelope sa harap niya.

Nanginginig ang mga kamay niyang kinuha ang envelope at hinugot ang papel sa loob. Hindi pala papel kundi litrato. Hindi iisa kundi marami. At lahat ay mukha nila ni Ysay. Magkayakap, nagtatawanan, magkahawak-kamay, at higit sa lahat, naghahalikan.

Oh my God! naibulalas niya nang makita lahat ng iyon.

You're right young woman, oh my God! Why??? Why the hell why???? Dumadagundong ang boses nito sa loob ng library.

Dad....

Since when?

Dad, I....

Since when?!?!?

Al....almost two years ag...go po! Nagsisimula na ring mag-unahan ang mga luha sa mata niya. Ngayon pa lang, alam na niya kung saan patutungo ang usapan nilang mag-anak. Dad, mahal ko po si Ysay!

Ulitin mo nga ang sinabi mo???

Ma...mahal ko po si Y.....

Pak! Sinampal siya ng kanyang ama!

Mike! napasinghap ang mommy niya sa ginawa sa kanya ng ama. Siya naman ay parang nabingi sa lakas ng sampal ng ama.

Ulitin mo ang sinabi mo!!!

Mah....

Pak!

Isa pa!

Mahal ko si Alyssa, dad! At kahit ilang beses nyo akong sampalin, hindi na po mababago non ang nararamdaman ko sa kanya!!! Girlfriend ko na po siya at nagmamahalan kami!

Akmang sasampalin na naman siya ng ama pero nagsalita na siya.

Sige, daddy, sampalin nyo ulit ako! Huwag po kayong tumigil hanggang hindi ninyo nakukuha ang gusto ninyong sagot! But I'm sorry, you won't get it from me!!! I love her, daddy! And that's the truth! tuloy-tuloy niyang salita habang nakapikit at hinihintay ang lapat ng palad ng daddy nia sa kanyang mukha.

AgainWhere stories live. Discover now