23 - Guilty

7.4K 162 20
                                    



PRESENT DAY.........

An....anong ginagawa niya dito?!!

H....hi, Ysay!

Get out.

Ys...

Get out! Get out from my office! Get out from my building! And get the hell out of my life!!! mahina pero mariin ang pagkakasabi nito.

Baby D...

Kung pinahahalagahan mo pa ang pagkakaibigan natin, Ho, iaalis mo sa harap ko ang babaeng yan at huwag mo nang tatangkain pang gumawa ng kahit ano para mailapit mo siya sa akin! I've had enough! You won't like what I'll do to you kapag ipinilit mo pa ang gusto mo! You know your way out!

At tinalikuran na sila nito.

Ys....

Tara na Den, bulong ni Gretchen sa kanya.

Per....

We'll try some other time but not now. Not now, bulong pa rin nito, eyes pleading her.

Hindi na siya pumalag nang hilahin ni Gretchen ang braso niya para lumabas ng opisina ni Alyssa, pero hindi niya inalis ang paningin sa nakatalikod na babae hanggang sa makalabas sila at magsara ang pinto.

All the while she was staring at her mula pa kaninang makapasok sila sa opisina nito, walang habas na sa pagpatak ang mga luha niya. How she missed her, her Superman, her Clark, her love. How she missed everything about her.

Ysay... paulit-ulit na bulong niya sa pangalan ni Alyssa habang sakay ng elevator pababa ng building, hanggang sa tuluyan silang makalabas ng gusali at hanggang makarating sila sa sasakyan ni Gretchen.

I'm sorry Den! narinig niyang nagsalita ang katabi. Hindi pa sila umaalis sa lugar na iyon.

Ako dapat ang nagsasabi niyan, ate Gretch, hindi ikaw. She warned you, your friendship's at stake sa pagtulong mo sa akin. Pati ang negosyo mo with her, baka maapektuhan dahil sa akin! I'm sorry, ate! I didn't see it coming!

Don't worry about me, Den, I can handle my own issues with Aly. Ang importante, kayong dalawa. How are you? How are you, finally seeing her again after 3 years? And if I remember it right, it was exactly three years ago nang iwan mo siya, di ba? Is it coincidence o itinaon mo talagang sa araw na ito ang magpakita sa kanya? sunud-sunod ang tanong ni Grethen sa kanya.

Immediately after she landed, nagpahatid siya sa kaibigan sa opisina ni Alyssa. Noong una, tumanggi si Gretchen, citing different reasons like baka pagod daw siya, may jet lag, kailangan daw niyang mag-prepare sa paghaharap nila at marami pang iba. Kasama na doon ang dahilang galit na rin daw si Alyssa kay Gretchen dahil sa paglilihim nito tungkol sa kanya.

She and Gretchen were constantly communicating. Updated siya sa lahat ng nangyari kay Alyssa sa loob ng tatlong taon niyang pagkakawala. Alam niya lahat, pati na ang mga huling salita ni Alyssa tungkol sa kanya. She doesn't want to remember those words because they were said with so much hatred. Naiintindihan naman niya yon, kaya lang, mas naka-set sa utak at puso niya na sa huli, pag-ibig pa rin nila sa isa't isa ang mangingibabaw.

Pero si Alyssa, nanatiling nasa kawalan pagdating sa kanya. Wala itong kaalam-alam kung nasaang lupalop siya ng mundo until she accidentally learned about her from Gretchen. At yun ang ikinagalit nito ng husto sa isa sa mga itinuring din nitong kaibigan.

Dennise was wincing in pain, that pain inside her heart upon seeing that hatred of Alyssa towards her. She thought she could handle seeing that look on her face. Walang pagdududa, higit pa sa pagkamuhi ang nararamdaman ni Alyssa sa kanya. Kung meron man mas higit pa sa pakiramdam na poot at galit, siguradong iyon ang nararamdaman ng babae sa kanya.

AgainWhere stories live. Discover now