3 - Falling Into You

11.6K 186 2
                                    

One month passed after that meeting, nakatitig pa rin si Alyssa sa celfone niya.

Should I call her? Should I not?

Should I accept it or should I not?

Should I go for my dream or should I go for her?

She was given one month by Coach Roger to decide. In case she accepts, she'll be immediately part of the playing team, wala ng tryout, wala ng residency. Ganun kabilib ang Ateneo coach sa kanya. Accordingly, his decision is backed up by the management in case um-oo nga siya na lumipat doon.

Wala naman siya talagang balak lumipat sa ibang team. She's satisfied with her current team and wala na siyang mahihiling pa kundi manalo sila sa championships habang player siya. Pinagbigyan lang niya ang hiling ni Coach Roger na mag-usap sila for that possibility of switching teams. She's still half-hearted until minutes before she talked to him. Then she was accidentally hit by Dennise.

Aahhh....Deny, bulong niya sa sarili. Ginayuma mo ba ako ng chocolate brown eyes mo at hindi ka na mawala sa isip ko?

Anak, anong ibinubulong-bulong mo dyan? Kanina mo pa tinititigan yang telepono at para kang mumu na bulong ng bulong, puna ng mommy niya sa kanya. Andito siya ngayon sa bahay nila sa Batangas. It was Saturday at nag-request siya sa coach niya na mag-skip ng training to spend some quality time with her family. Mabait naman ang coach niya lalo na sa mga ganitong bagay.

Ahm, 'Ma, tawag niya sa ina. Nasa kusina sila ngayon. Siya, nakaupo sa may counter at nakapangulambaba habang pinapanood ang ina na nagluluto.

Yes, bunso?

Ahm, ahm, okay lang po ba sa inyo na lumipat ako ng school?

Tumigil ito sa paghalo ng niluluto at nilingon siya. Bakit?

Nag-offer po kasi ng scholarship ang Ateneo. Maganda naman yung offer nila. Mas maganda sa current status ko with UST.

Pero di ba sabi mo, okay ka na sa UST? You'd been with them since highschool at ikaw mismo ang may sabi noon na hinding-hindi ka lilipat sa ibang school. I don't believe just because mas maganda ang offer nila, eh basta ka na lang lilipat. May ibang rason ba?

Kilalang-kilala siya talaga ng nanay niya.

Eh kasi 'Ma....

Eh kasi 'Ma, may gustong ligawan si bunso sa Ateneo, singit ng kuya Abe nya.

Kuya!!!

Eh paliguy-ligoy ka pa, hindi pa agad umamin. O ano na, gumawa ka na ng moves?

Ano yan, ano yan? narinig naman niyang boses ng ama. Anong moves-moves yan? Wala yata akong alam, ah? Hi sweetheart! What's for lunch today? bati nito sa asawa.

Pa, si bunso, binata na. - kuya Abe.

Kuya! Shut up!!! she hissed at her brother.

Ysay? Ayaw mong ipaalam sa amin ang tungkol dun? sita ng mommy niya. It's our favorite dad, adobo, sagot nito sa tanong ng asawa kanina.

Eh 'Ma, hindi naman po sa ganun. Actually sasabihin ko naman po talaga kaya lang si kuya, inunahan ako.

This is interesting, wait, sabi naman ng daddy niya. Pumunta ito sa ref at kinuha ang pitsel ng juice, apat na baso from the cabinet saka bumalik at inilapag sa counter. Okay, continue, nakangising utos ng daddy niya.

AgainWhere stories live. Discover now