1 - How Do You Heal A Broken Heart

24.3K 251 1
                                    

Knock...knock....

Come in! balewalang sagot ni Alyssa nang marinig niya ang katok sa pintuan. She didn't bother turning her head, though. Nakatutok pa rin mga mata niya sa labas ng bintana, looking at nothing in particular.

Nasa opisina siya ngayon, pero wala naman sa trabaho ang utak niya. She's been trying to kill herself at work para wala na siyang maisip na iba kundi trabaho, trabaho, trabaho. Day and night, night and day, she works. She works and works and works. Ayaw man niyang aminin, pero tumatakas siya. Pilit niyang tinatakasan ang sakit na nararamdaman niya since three years ago. Exactly three years ago today.

How pathetic, Alyssa! kutya niya sa sarili. You keep saying you're over the person! You're over the feeling! But now what, three years after, pakiramdam mo bumalik ka nung panahong iniwan ka niya?! Back to square one, eh?

She slumped further on her seat, sign of accepting defeat.

Her conscience is right. She's back to square one. Walang silbi ang halos 24 oras niyang pagtatrabaho para makalimutan ang nangyari. Walang silbi ang maraming party o club o pambabae para matabunan ang panahong naging masaya siya dahil sa umibig siya, at halos mamatay dahil pa rin sa umibig siya. At lalong walang silbi ang pangingikil sa utak niya na kalimutan ang lahat, lalo na ang magandang mukha ng taong minsan ay minahal niya.

Dahil heto siya ngayon, inaalala ang nangyari eksakto tatlong taon na ang nakaraan. At hanggang ngayon, hindi niya pa rin mahanap ang sagot. Bakit? Bakit biglang nagbago ang lahat? Bakit sa isang kisap mata, hindi na siya mahal ng taong nangakong mamahalin siya habang-buhay? At sa pagtingin ba sa kawalan, sa libu-libong taong nakikita niya sa ibaba ng building na kinatatayuan niya, mahahanap niya ang kasagutan?

She heard the door opened and closed, dahilan para tuluyang magising ang diwa niya mula sa nakaraan. She waited for her visitor to speak up pero wala siyang narinig na boses na nagsasalita sa kung sino man ang pumasok. She have an idea already kung sino ang bisita niya. More on a bwisita. Ilang beses na nitong pilit siyang kausapin pero sa tuwina, tumatanggi siya.

If I had known, sana hindi ko na lang siya pinapasok! sita niya sa sarili.

Hindi pa rin niya ibinabaling ang paningin mula sa labas papunta sa kung sinumang bisita niya.

Alyssa....

Sabi na nga ba....

What do you want? sabat niya agad sa nagsalita, may katigasan ang boses, ipinaiintindi na hindi niya nagustuhan ang pagpunta nito sa opisina niya. Hindi pa rin siya lumilingon dito.

Can we talk? Please?

About what? I have no business dealings with you kaya makakaalis ka na. You know your way out.

Kung alam lang niya kung sino ang kumatok, nungkang papasukin niya ito. Alam naman nitong bawal itong pumasok sa opisina niya, o sa building niya, pero andito ito ngayon. Paano ba ito nakapasok sa building niya?! At lalong paano ito nakapasok sa opisina niya?! Nasaan na ang tinamaan ng lintik na secretary niya?!?! Bakit pinapasok nito ang taong kinamumuhian niya?!?!

Can we finally talk? I have.... Hindi nito sinagot ang tanong niya.

Nag-uusap na tayo, ano pa bang gusto mo? bara niya sa sasabihin pa sana nito, hindi pa rin nakalingon dito.

Please turn around and look at me. At....

Sino ka para tingnan ko? bara na naman agad niya dito.

Baby D, please...

I told you for the umpteenth time, don't call me on that fucking name!!! sigaw niya dito sabay lingon para sana bulyawan pa ito pero natigagal siya sa nakita.

An....anong ginagawa niya dito?!!




AgainWhere stories live. Discover now