8 - Say Something

9K 167 6
                                    

Ate Gretch, gising! Hoy, gising! bulong ni Alyssa habang niyuyogyog ang balikat ng kaibigan niya.

It was four in the morning. Hindi siya nakatulog sa pag-iisip kung ano ang gagawin pagkatapos marinig ang sagot ni Deny.

Aarrgh! Valdez, ano?!

You have to help me!

Mamaya na lang puwede? ungol nito at ipiniling ang ulo sa kabilang side para iwasan siya.

Magtatapat na ako kay Deny.

So, what's new? maktol nitong sagot.

Pikit ka pa lang, nagtataray ka na agad? kunwaring tampo niya dito.

Valdez, I'm sleeping! Ano ba kasi yon? ungot pa rin nito.

Magtatapat na nga ako!

And?

Na ako ang nagpapadala ng tulip sa kanya.

I know na nga! Eh....huh?! Gretchen suddenly turned her head to Alyssa. Aray! sabay hawak sa leeg nito.

Dahan-dahan kasi! Bigla kasi ang pagbaling nito sa kanya, nag-cramp tuloy ang muscle nito sa leeg.

Tuluyan na itong bumangon pero hawak pa rin ang leeg na nasaktan. Pakiulit nga ng sinabi mo?

Magtatapat na ako.

Not that! Not that! Yung isa....yung...

Ako ang nagpapadala sa kanya ng tulip. Ako si Mr. Holland.

Holland kasi ang nickname na ibinigay ng mga ito sa sender ng tulip kay Deny. Walang makahula kung sino yon, plus, halos lahat ng kulay ng tulip ay natanggap ni Dennise. Holland, dahil doon sa lugar na yun matatagpuan lahat ng klase at kulay ng tulip. Meron pa ngang festival na ginaganap doon tuwing spring. She's thinking of bringing Dennise to that place in The Netherlands kapag nagkaroon ng pagkakataon.

You're not joking, are you?

Hindi ah!

Sigurado kang hindi mo inaangkin diskarte ng iba?

Ate Gretch naman, ako nga yon! she whispered. Kung gusto mo isa-isahin ko pa ang mga messages na nakasulat dun!

Talaga lang ha?

Oo kasi! Bakit ba ayaw mong maniwala na ako at si Mr. Holland ay iisa?

Eh akalain ko ba namang kaya mo palang manligaw? At kakaiba ang style mo 'neng! Ni hindi mo nga sineryoso mga suggestions ko!

Eh ang ko-corny naman kasi! Tulungan mo na nga ako mag-isip kung paano magtatapat sa kanya.

Tunay na yan? Wala nang urungan ha?

Oo, sigurado na ako this time.

Bigla siyang niyakap nito. Ayyieee, magtatapat na si bunso! Yes!

Natatawa naman siyang gumanti ng yakap dito.

Ahm, I didn't know kayo na pala ni 'Ly, amore, biglang may nagsalita sa tabi nito.

'Morning, ate F! nahihiyang bati niya dito.

Good morning, amore! Gretchen greeted Fille with a smack kiss on her lips. Sorry sa istorbo nitong si Valdez.

AgainWhere stories live. Discover now