11 - I Hate You Then I Love You

8.6K 160 6
                                    

Care to explain? nakataas ang kilay na tanong sa kanila ni kapitana.

At sino si Clark? Bakit mo tinatawag na Clark si Valdez, Lazaro? - Gretchen

At may phobia ka pala sa dugo, 'Ly? - Fille

At kelan pa naging kayo? - A

Ah, eh...

Clark, este, Alyssa needs to rest guys, sagot naman agad ni Dennise. She's not supposed to be here, should be resting instead. Tara na, Ysay, akyat na tayo sa kuwarto.

Lazaro? - Gretchen

Ho? - Dennise

Pero...

Valdez? -Dennise

Akyat po muna kami, kapitana, guys.

O....kay! - Dzi

Narinig pa nila ang sabay-sabay na sambit ng mga kasama nila. Ay under! Ha ha ha!

Nangingiti pa siyang pumasok sa kuwarto para lamang mapalis yun nang makita niya ang seryosong mukha ni Dennise.

Anong ginagawa mo dito?

Ahm, dito ako nagdu-dorm?

Huwag mong painitin lalo ang ulo ko, Valdez.

Lois...

Ano. Ang. Ginagawa. Mo. Dito.

I missed you.

Totoo naman yon. Hindi pa nakakaisang oras umalis si Dennise sa kanila kanina, nagpumilit na siya para payagan ng ina na bumalik ng Maynila. Of course, she used all her charms and all her childishness para lang pumayag ito. At saka magaling na siya. Pakiramdam niya, hindi nga siya nagkasakit. Parang nagdahilan lang.

Pero di ba usapan natin magpapahinga ka?

Magpapahinga naman ako eh, dito nga lang.

Ysay!

Love, sorry na. Gusto ko lang kasi kasama kita. At saka magaling na ako talaga. Mas bibilis recovery ko kapag kasama kita.

Hay naku, ang tigas ng ulo!

Love mo naman!

Heh! Mahiga ka na nga diyan! And don't you dare leave your bed nang hindi ko sinasabi!

But, Lois, nag-promise ako kina captain, I'll cook dinner. Paano yung niluluto ko sa baba? At saka I'll do the dishes for two weeks as punishment for lying to them about my sickness.

Ano?!? Are you out of your mind? Mabibinat ka sa ginagawa mo Ysay!

Magaling na ako, promise! Kaya ko nang gumalaw. Salatin mo pa leeg ko, oh! Kinuha niya ang kamay ni Dennise at inalapat sa leeg niya. See? I'm okay now.

Mas delikado yung stage ng recovery, Ysay.

Deny...

Basta! Dito ka lang sa kuwarto at hindi ka puwedeng lumabas hanggang hindi ka tuluyang gumagaling.

But the food...and the dishes...

I'll do it.

No!!!! narinig nilang reaksyon mula sa labas ng kuwarto nila.

AgainWhere stories live. Discover now