27 - Chasing Pavements

6.2K 174 7
                                    

Tok! Tok! Tok!

Nagising si Dennise nang marinig niya ang katok mula sa main door.

Nakatulog na pala siya sa panonood ng tv kanina.

Sigurado kang nanonood ka ng tv at hindi mo hinihintay pagbalik ni Ysay? Lagi ka yatang nakakatulog sa panonood ng tv tuwing gabi? ungot ng konsensya niya.

She ignored that silent whisper on her head and stood up to open the door. Napihit na niya ang doorknob saka niya naalala ang pangako niya sa sarili at kay Alyssa noong isang linggo.

Be out of Alyssa's way, one way or another.

Isang linggo na silang nag-iiwasan mula noong huli silang mag-usap. At tulad ng pangako niya dito, iiwas siya para hindi niya makita itong may kasamang iba. And so far, isang linggo nang successful siya sa ginagawa.

Successful nga bang maituturing kung sa tuwing gabi, nakaabang siya sa sofa at kapag naramdaman niyang may pumipihit sa main door, dali-dali siyang tatakbo sa kuwarto at magkukulong, pero pilit ididikit ang tenga para marinig kung may kasama ito o wala? At tumutupad nga ba siya sa pangako niya kung tuwing umaga o hapon, sa halip na paghahanap ng trabaho ang inaatupag niya, tatambay siya sa isang coffee shop na malapit sa opisina nito at aabangan ang paglabas-masok nito doon? At kapag nakita niyang may kasama ito paglabas ng uwian, siya naman ay babalik sa unit at iiyak ng iiyak at paulit-ulit na nagsisisi?

Isang linggo pa lang ang nakakaraan, pero parang ilang taon na siyang umiiyak at nasasaktan.

Bakit hindi niya kayang mag-give up? Ika nga ni Adele, should she give up or should she keep chasing pavements even if they lead nowhere?

For her, for now, she will keep chasing.

Hangga't kaya pa niya.

Nakaplaster na ang ngiti niya kahit inaantok pa siya nang buksan niya ang pinto, pero dagli ring nawala iyon nang bumungad sa kanya ang isang babae, yakap-yakap ang lasing na si Alyssa.

H......i!

Den? Is that you? Kelan ka pa dumating?

Ahm...

Before you answer that, can you help me carrying her? Ang bigat-bigat ng damulag na 'to!

Tahimik na tinulungan niya ang babae na alalayan si Alyssa hanggang sa makarating sila sa kuwarto nito at maihiga ito sa kama.

Hay naku, Love, inom nang inom, hindi naman kaya! Hindi na nadala! reklamo ng babae habang inaayos nito ang pagkakahiga ni Alyssa. Siya naman, automatic na lumayo sa dalawa nang maihiga nila ang wala ng malay na babae.

Nakakapagod ka na ha? Hindi na ako naaaliw! patuloy pa ring reklamo nito habang sinisimulan na nitong alisin ang polo ni Ysay. Mukhang sanay na ito sa ginagawa.

Sanay na sanay siyang ginagawa yun kay Ysay, noh? Siguro siya palagi ang kasama niya mula noong iwan mo siya! sumbat na naman ng utak niya.

Ma...may maitutulong ba ako? nagsalita na siya nang hindi na niya makayanan ang nakikita.

Uhm, do you have hot water ready? Bubuhusan ko lang itong babaeng ito nang magising at tuluyang matauhan!

Ha?

Joke! Maligamgam na tubig sana, ipagpupunas ko sa kanya.

Yeah, sure!

Dali-dali na siyang lumabas ng kuwarto, hindi para gawin ang ipinakiusap ng babae, kundi para mailayo niya ang mata sa sakit na nakikita.

Siya na ba? Siya na ba ang kapalit ko sa puso ni Ysay? hindi niya maiwasang itanong sa sarili habang inihahanda ang tubig at bimpo.

AgainWhere stories live. Discover now