6 - We All Fall In Love Sometimes

8.2K 157 7
                                    

Den, may bisita ka!

Napalingon bigla si Alyssa sa likod niya nang marinig ang isinigaw ni Ella. Nasa kusina siya ngayon at naghuhugas ng mga ginamit nila sa tanghalian.

It was Sunday pero ni isa sa kanila ay walang gumala pagkatapos nilang um-attend ng misa kanina. Lahat sila ay pagod sa sunud-sunod na training nang nakaraang araw at kahapon ay laro laban Adamson University na inabot ng five sets. Buti na lang nanalo sila at pinagbigyan sila ni Coach Roger na wala munang training ngayong araw.

Sino daw? narinig niyang tanong ni Dennise. Oh, hi Myco! Ikaw pala. Napadalaw ka?

Nang marinig niya kung sino ang bisita, nanlulumong ibinaling niya sa ginagawa at malungkot na ipinagpatuloy iyon.

Makaraan nang ilang minuto, Ang curfew, wag kakalimutan, narinig na lang niyang sinabi ni Dzi sa kung sino. Nasa likod niya ito at umiinom ng tubig.

Aye, captain! Bye guys, alis muna kami! sigaw na paalam ni Dennise sa kanila.

Pasalubong! sigaw namang pahabol ni Ella. At narinig na niya ang pagsara ng pinto.

Paano yan, Valdez, 1 point na naman ito against you, biro sa kanya ni Kapitana.

Ngiting hindi umabot sa mata ang isinagot niya dito.

Try mo kayang gumawa ng move this time, Dzi suggested as she tapped her shoulder. Uso ang ligaw, baka hindi mo alam. At saka maawa ka sa baso't pinggan, mapupudpod na oh sa kakakuskos mo. Ge na, tapusin mo na yan. Movie marathon tayo.

Sige po, patapos na ako, sagot na lang niya.

Kahit gustuhin niyang magsolo na lang pagkatapos ng gawain niya, hindi na rin niya magagawa. Kukulitin lang siya nang kukulitin tungkol sa pagsundo ni Myco kay Dennise. She might as well face the team's curiosity ngayon pa lang.

Walang sigla siyang lumapit sa mga ito nang matapos ang ginagawa, umupo sa tabi ni Gretchen at isinandal ang ulo sa balikat nito.

Sa dalawang buwan niyang itinagal bilang manlalaro ng AWVT, si Gretchen ang itinuturing niyang bestfriend sa buong team. Malapit naman siya sa lahat, napaka-approachable nga daw niyang tao, laging may naka-ready na smile para sa lahat, mabait, pero kay Gretchen lang niya nasasabi ang mga saloobin niya lalo na ang tungkol kay Dennise.

You okay? mahinang tanong nito, ayaw iparinig sa iba.

Umiling siya.

Gusto mong pag-usapan natin?

May mababago ba kapag pinag-usapan natin?

Malay mo, this time matauhan ka na sa sasabihin ko, suhestiyon nito.

Oist, kayong dalawa, ano ba ang pinagbubulungan ninyo dyan? Para kayong mga bubuyog, bzzzz, bzzzz, sita sa kanila ni ate Fille.

O ano, tara? tanong ni Gretchen sa kanya.

Sige, sagot niya.

Amore, alis muna kami ni Aly ha? paalam nito sa katabing si Fille.

Maboteng usapan ba yan? - Fille.

No, punta lang kami sa office ng kuya niya. May pinapakuha daw sa kanyang template si kuya Abe niya para sa thesis nito sa isang subject. At saka, alam mo na, yung kanina, - Gretch.

Okay, Amore, basta ba hindi maboteng usapan yan, ha? - Fille.

Yes, Amore! Pasabi na lang kay kapitana ha? Mukhang tulog na sila ni Nacachi, eh, nguso nito sa dalawang nakapikit na ang mga mata.

AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon