7 - Everyday I Love You

7.8K 158 1
                                    

Monday @ 8:00 pm....

Delivery po for Ms. Lazaro! they heard someone shouted from outside.

Nag order ka ng pizza, Besh? Alyssa heard Ella asked Deny. Magkatabi ang dalawa sa sofa habang nagri-review. Siya naman ay ganun din pero sa may mesa siya nakapuwesto.

Ikaw talaga, Besh, basta may tumawag, akala mo pagkain, tudyo ni Deny dito.

PG kasi! sabay-sabay namang sigaw ng iba pang naroon.

Eh, maano ba? Sa nagugutom ang tao! sagot naman ni Ella.

As Aly watched Ella pouted her lips, an idea came to her mind. She took her phone beside her at nag-dial. She stood up to go outside para sana hindi marinig ng mga kasama niya kung anuman ang sasabihin niya sa kausap. As she did so, eksakto ding papunta si Dennise sa may pintuan para tanggapin ang delivery. Hindi siya nakatingin sa dinadaanan kaya naman nabunggo niya ito. Palibhasa maliksi siyang kumilos, ang galaw niya ay halos nakapagpatumba kay Deny. But then again, her reflex immediately worked, nahawakan niya agad ito bago pa man ito mapaupo sa sahig. Yun nga lang, sa may beywang nito siya napahawak. They suddenly looked like a couple who just finished dancing and the guy bent the girl's body and dipped his head as if about to kiss her.

Walang nakakibo sa kanilang dalawa.

Amore, can I have a dance with you? narinig niyang sabi ni Gretchen kay Fille.

Ta ra ra ran tan, tan tan, tan tan! Ta ra ra ran tan, tan tan, tan tan! sabay-sabay naman ang mga girls sa paghuni.

Dali-dali niyang inayos ang puwesto nila ni Dennise and mouthed "sorry". Kitang-kita niya ang pamumula ng mukha nito, at siguradong siya ay ganun din, dahil ramdam niya ang pag-iinit ng tenga niya.

Da moves, 'Ly!! kantiyaw sa kanya ng mga babae.

Kamot ang batok na ngumiti lang siya sa mga ito saka naglakad papunta sa pinto. Siya na ang nagbukas niyon.

Ahm, delivery daw po kay Ms. Lazaro, sabi ng guwardiya sa kanya.

An....ano po yun? parang hinihingal pa nitong tanong sa guwardiya.

May nagpadala po sa inyo ng bulaklak, sabi ng guwardiya sabay abot nito ng isang pirasong tulip kay Dennise.

Salamat po! sagot nito, pero kanino po ito galing?

Wala ma'am sinabi, eh. Delivery van lang yung dumaan at ipinabibigay yan. Sige po.

Salamat po ulit! kunot na ang noo nito habang nakatitig sa bulaklak.

Nice flower you have there! Alyssa said to Deny.

O...oo nga eh.

Pero bakit nakakunot ang noo mo?

Parang unusual eh. This is a first time for me to receive a tulip. Asul pa.

Which is your favorite color, right? So, alin ang unusual don?

No one ever gave me a tulip. Ngayon lang.

So?

Wa....wala! Aalis ka?

Ahm, no. Me tatawagan lang ako.

Lalong kumunot ang noo nito sa sinabi niya.

Deny?

AgainWhere stories live. Discover now