28 - Just When I Thought

5.7K 150 10
                                    

So, Ysay, what do you think? Should we expand or not?

Huh?

Looks like someone was not listening! narinig niyang tudyo ng kuya Abe niya. Pagtingin niya dito, pati sa daddy at dalawa pa niyang kapatid na lalake, lahat ang mga ito'y nakatingin sa kanya.

Napakamot na lang si Alyssa sa batok niya, tanda na totoo ang kantyaw sa kanya ng kuya niya.

Sorry, Pa! nahihiyang hingi niya ng paumanhin sa ama.

Nagtagpo silang mag-anak sa bahay para pag-usapan ang kani-kanilang negosyo pero sa halip na doon nakatutok ang atensyon niya, iba ang iniisip niya.

It's okay, bunso. Is there something that's bothering you? tanong ng tatay niya habang ibinababa nito ang salamin sa mata. May problema ba sa kompanya mo?

'Pa naman, dapat pa ba yang itanong? Of course something is bothering Ysay! Or rather, someone. Tama ba ako bunso? - kuya Alej na may kasama pang taas-baba ng kilay.

Someone? Sinong someone? Yun ba yun kasama ni bunso sa bahay niya? Ano ngang pangalan niya? - kuya Alfon

Daniella? Danica? Demi? Diane? Den..Den... - kuya Alej

Ano ba kuya? Dennise pangalan nun! Deny ni Ysay! Lois ni Clark! Kryptonite ni Superman! - kuya Abe.

Ah! sabay-sabay namang reaksyon ng tatlo pang lalake.

Eh akala ko ba wala na? Bakit kailangang ma-bother? Ang huling alam ko friends na lang sila. Di ba friends na lang kayo ni Deny, bunso? - kuya Alfon.

At naniwala ka naman sa sinabi noon ni Ysay, kuya? Yang kapatid nating yan, tulak ng bibig, kabig ng dibdib ang drama sa buhay. For sure, deep inside her, tuwang-tuwa siya nung ini-insist ni Mama na sa kanya tumira si Deny! - kuya Alej.

Hoy, kayo! Ano yung naririnig kong pangalan ko at ni Dennise, ha? bungad naman agad ng nanay niya nang pumasok ito dala-dala ang meryenda nila. Inilipag nito iyon sa gitna ng mesa at saka lumapit sa asawa at humalik sa ulo nito.

That gesture of her mother always make Alyssa wish that there's someone who would do the same for her.

Siya naman ay napahilamos ng mukha, sabay subsob ng ulo sa mesa.

Wala na. Hindi na siya makakatanggi pa. At sa klase ng panunukso ng mga kapatid niya, hindi siya makakalabas ng library hanggang hindi siya nagkukuwento sa mga ito kung ano na ang estado nila ni Dennise mula nang lumipat ito sa tirahan niya.

At ito na nga ang unang tanong mula sa daddy niya.

Kamusta kayo ni Dennise anak? Okay ba naman samahan ninyong dalawa sa bahay mo?

'Pa...

Paano ba niya sasabihin sa mga ito na hindi na siya doon umuuwi mula noong gabing muntik nang may mangyari sa kanila?

'Pa, kasi..

Kasi dad, inabandona na ng bunso mo si Dennise mula nung lumipat ang bata sa condo niya. Tama ba ako, Alyssa? seryosong nakatingin sa kanya ang mommy niya.

'Ma...

Umamin ka ngang bata ka. Saang lupalop ka nag-ii-stay sa halip na sa bahay mo ka umuuwi? Hindi ba usapan natin itatrato mong espesyal na bisita si Dennise? Eh bakit iniwan mo siyang mag-isa doon sa condo mo? Sino bang babae ang inuuwian mo ha? May ka live-in ka ba? Bakit wala kaming alam na pamilya mo tungkol doon ha? Magsalita ka!

Hala, bunsoy, galit na si Mama sa'yo! - kuya Alej.

'Ma, kasi po...

Ano?!

AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon