Chapter 9

122K 2.4K 188
                                    

            Sunod-sunod na katok ang bumulabog sa kanya nang gabing iyon. Napatingin sya sa wall cloack sa kwarto nya. 2:00 a.m. Inis na bumangon sya saka sinuot ang salamin nya na nasa may mesa malapit sa kama nya at pinagbuksan ang kung sino mang bisita nya sa dis-oras ng gabi.

           


"Hi!" nakangising bati sa kanya ng kanyang bisita.

           


"Viel?!"

           


"Musta JD?" nakangisi pa din ito.

           


Inamoy nya ang bagong dating. Tama ang hinala nya. Lasing nga ito.

           


"Anong ginagawa mo dito? Anong oras na ah!"

           


"Inuman tayo!" sabi nito saka itinaas ang dala nitong ilang piraso ng alak an nakalagay sa plastik.

           


"You know I don't drink Viel..."

           


"Magpraktis ka na ngayon JD!" sabi nito. "Di mo ba ako papasukin? Magkaibigan tayo ah! Pinapabayaan mo ko sa labas? How dare you?!"

           


Bumuntong-hininga sya.

           


"Umuwi ka na Viel. Lasing ka na..."

           


"Hindi ah! Sino nagsabing lasing ako?" ngingiti-ngiti pa ito saka sumandal sa may pintuan nya. "Papasok na ako!"

           


"Umuwi ka na."

           


Sumimangot ito saka umupo sa sahig sa harapan ng condo nya.

           


"Kung ayaw mo akong papasukin, dito na lang ako sa labas! Iinom akong mag-isa! At magwawala ako dito! At sasabihin ko sa mga tao dito kung gaano kasama ang kapit-bahay nila."

           


'Anong nangyari sa tao na to?' sa isip nya.

           


"MGA KAPIT-BAHAY! SI JD KARELASYON YUNG KAPATID NYA!"

           


Bigla nyang hinawakan sa braso ang bisita at itinayo't pinasok sa loob ng condo nya. Pahamak tong tao na to! Ipagkakalat pa yata sa tao yung sekreto nya.

My Ex, My ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon