Chapter 29: His Nightmare

71.4K 1.3K 40
                                    

Chapter 29: His Nightmare

 

 

Hanna's P.O.V        

 

 

            "Anong gusto mong kainin?"

          "Kahit ano."

          "Ano yung kahit ano? Saan nakakabili ng kahit ano? Wala yata akong ganoon sa ref ko."

          "Eh kung pasakan ko kaya ng spring onion yang bunganga mo sa pamimilosopo mo huh?!"

          "I prefer a kiss rather than a spring onion." then he winks. Tsk! Damn flirty mode Viel!

          Psh! Nandito kami sa may kusina ngayon ni Viel. He's preparing our food while I sit on the counter staring and watching him do mess in the kitchen. Yes, I really mean mess! He don't know how to cook pero pinagpilitan nya kaya bahala sya!

          Pag nasira tyan ko alam na kung sino ang sisisihin.

          Napaikot ang tingin ko sa may kusina. Hmm...maganda din gaya nung sala.

          "By the way..." pag-interupt ko sa kanya while he's looking for food sa fridge. "You said a while ago welcome home. Why?"

          Sinara nya yung pintuan ng fridge nang makakuha sya ng isang tray ng eggs—hope na hindi masayang ang mga yun later.

          "This is your house..." bale-walang sabi nito while concentrating on the eggs. Ang sama ng tingin nya dun. Poor eggs. "I bought this for you..." tapos hinampas—oo, hampas talaga—yung itlog sa may bowl.

          Ano yung nabasag? Yung bowl at itlog. =_______= Seriously Viel? What are you doing?

          "You bought this to me pala ahh—WHAT?! You bought this for me?!" O____O

          "Yup." sabi nya saka kumuha ng another bowl at binasag ulit yung itlog doon—at nabasag ulit yung bowl. Poor bowl.

          "You don't mean it don't you?!" nadidistract ako dun sa pagbabasag nya ng itlog—I mean ng bowl. "Teka!" pigil ko ng akmang ihahampas na naman nya yung itlog sa bowl. "Ako na nga!"

          "Pero! Gusto kong ako yung maghahanda—"

          "NO! Mababasag mo lang lahat ng bowl dito kapag ginawa mo yun!"

          "But—"

          "Viel, hindi ka bagay sa kusina, hindi ka pwede sa kusina kaya shu! Shu!"

          We act normal again towards each other. Parang walang nangyari. Ang saya ulit namin.

          Yes, there is no clarification kung kami na ba ulit o hindi. But our mutual understanding is enough for now. And I still have issues to attend to...like Llyod. Hindi naman pwedeng balikan ko na lang si Viel without breaking up with Lloyd right?

          Speaking of Llyod, kumusta na kaya sya? He's been contacting me all this time asking if I was okay. But I can't respond to any of his call and messages.

          Actually, Llyod is a good boyfriend. Too good to be true. He's perfect. Wala ka ng hahanapin pa sa kanya. I just don't know why I haven't fall in love with him when we become a couple.

My Ex, My ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon