Chapter 11: Partings and Goodbyes

97.7K 1.9K 42
                                    

A/N: Ei guys. Pasenysa na sa slow updates. Dami kasing ginagawa sa school. Anyway, vote, like and COMMENT kung nagustuhan nyo ang chapter na to. Sa nag-aabang ng updates sa MY JEALOUS STEPBROTHER. Mamaya! XD Sinisipag ako mag-update ngayon eh. XD Enjoy reading!

BIGBANG ♥

Hanna's POV

 

 

          It's been months since last na pag-uusap namin ni Sir Viel. Sa loob ng klase student-teacher ang relasyon namin. Iniiwasan nya ring magkaroon ng eye contact sa akin and he's starting to act cold towards me.

          I should be happy na sya na rin mismo ang umiiwas. Na sya na rin ang lumalayo sa akin. I should be happy right?

          Pero bakit ganito ang nararamdaman ko?

          Bakit parang...nasasaktan ako?

          "Hanna!"

          Nilngon ko ang tumawag sa akin...si Bea. Isa sa mga friends ko.

          "Hi!" bati ni Bea.

          "Hi."

          Agad kumunot ang noo nang bagong dating. Bahagya pa itong umatras sa kanya.

          "O, anong problema mo teh?"

          "Wala naman..."

          Lalong lumalim ang kunot sa noo nito.

          "Di nga teh, yung totoo. Anong problema?"

          Mabigat akong napabuntong-hinga saka nagpasyang magsalita.

          "Wala lang...I'm tired."

          "Ganoon?" hindi kumbinsidong sabi nito. "Gutom lang yan!"

          "Nope. I'm full. I'm fine."

          Eksaheradang suminghap ito.

          "Hala! May problema ka nga teh! Pagkain tinanggaihan mo?! Anong problema?!!!"

          Nais kong matawa sa reaksyon nya. Parehas na parehas sila ng naging reaksyon ni Llyod noong isang araw bago nya kausapin si Viel.

          "Grabe naman kayo! Para namang puro pagkain lang ang laman ng utak ko!"

          "Bakit hindi ba?" mataray na tanong nito.

          Tipid na ngiti na lang ang sinagot nito.

          "Dahil kay Sir Viel ba?"

          Nagulat sya sa sinabi nito.

          "H-Huh?! A-Anong pinagsasabi mo? H-Hindi ah!" teka paano nya nalaman iyon?

          "Tsk! Tsk! Tsk! Sabi na nga ba eh! Isa ka rin sa mga supporters nya."

          "Huh?!" Anong pinagsasabi nito? Teka! Alam ba talaga nito ang tumatakbo sa utak nya?

          "So hindi mo pa alam ang balita?"

          "Balita?"

          "Aalis na daw ng school si Sir Viel."

          "What?!" gulat na sabi ko. "Totoo ba yan?"

          "Totoo girl! 100% true!" wika nito saka naupo sa blue bench na naroon. Tinabihan ko sya sa pag-upo at nag-abang ng mga susunod pa nitong sasabihin. "Ayon sa mga nasagap kong tsimis sa faculty, tatapusin lang daw ni Sir ang sem na to tapos gora na sya! Babalik na sya sa field nya mismo. Engineering pala si Sir ano? Alam mo bay un? Di ba schoolmates kayo dati?"

          Tango na lang ang naging sagot ko sa huling tanong ni Bea. Hindi kasi nagpaprocess sa utak ko na aalis si Viel sa school. Bakit? Dahil ba yun sa kanya? Dahil ba sa kanya kaya iiwan nito ang pagtuturo nito sa paaralan nila?

          "At ito pa girl, kanina may nakita daw yung isa sa mga classmates natin na may kasamang girl si Sir pagpasok nya dito."

          Napalingon ako sa direksyon ni Bea.

          "Mukhang girlfriend nya yata girl. Tsk! Sayang. May sabit na pala si Sir."

          Teka! Si Viel...may girlfriend?! Bakit hindi nya alam ang tungkol sa bagay na iyon?

          Pero teka lang! Bakit kailangan nyang malaman? At bakit ba sya nangengealam kung may girlfriend ba ito o wala? Ano bang pakialam nya sa bagay na iyon?

          'Hindi na kayo!'  bulong ng nasa isip ko.

          Tama. Hindi na kami.

          Pero bakit ganito? Bakit ganito ang naramdaman ko?

          Nakaramdam ako ng sakit nang marinig kong may girlfriend na sya?

***

 

Viel's P.O.V

 

 

          "Mr. Arvueva sorry pero hindi ko matatanggap ang resignation mo."

          "Sir?"

          "You will stay here until graduation."

          "Pero Sir, I'm just a professor by profession!"

          "Still, you'll stay here Mr. Arvueva. I can't loose you now."   

          "Pero Sir I need to—"

          "End of discussion. You'll stay here."

          Mabigat akong napabuntong-hininga saka yumuko at lumabas sa room ng presidente ng eskwelahan.

          Hindi nya makuha kung bakit ayaw syang paalisin ng school. Oo at may one year contract sya dito pero kasama rin sa kontratang pinirmahan nya na maari syang umalis kung hindi sya ma-satisfy sa pagtuturo or for some personal reasons. Kaya bakit ngayon ayaw syang paalsiin ng president ng school?

 <%

My Ex, My ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon