Chapter 13: I beg you!

115K 2K 83
                                    

Chapter 13: I beg you!

 

A/N: Ayun, so i-eendorse ko na ang next story ko. Kwento naman to ni Renji at ng kanyang magiging lady love. Si Renji yung makuyet na best friend ni Papa Viel. Pero mawiwindang kayo sa tunay na Renji. Ang title nya: STANGERS, STRANGERS. Yung kwento na to, bigla na lang sumulpot sa utak ko habang nasa jeep ako. Galing talaga ng jeep! Daming binibigay sa akin ng ideas! *lol* Hoy! Wag madamot sa comment! Comment comment din! Tamad lang magtype? Eh kung tamarin kaya ko mag-update? Ahohohoho peace! Feel ko lang magtaray ngayon! Bwahahaha! Evil! Dapat magkaroon na rin ako ng sarili kong evil jingle! Maevel Anne's evil incorporated! *lol*

P.S. Naiyak ako habang tinatype ang chapter na to. Tas nalLSS pa ko sa painting flowers ng All Time Low. Kaiyak yun! Play nyo yung vid sa  gilid habang nagbabasa kayo para feel na feel ang moment!

Daming sabi! Babush~! Happy reading!

Viel's P.O.V

 

 

          Wala pa din si Hanna.

          Ilang araw na syang hindi pumapasok. Ano kayang nangyari sa kanya?

          "Sir! Paano po nakuha ang sagot na 'to?"

          Napailing ako saka hinarap ang isa sa mga estudyante ko na nagtanong at pinakita sa kanila kung paano nakuha ang sagot sa word problemna iyon.

          "Wow! Ang dali lang pala! Galing mo talagang magturo Sir!"

          Matipid na ngiti na lang ang binigay ko sa mga estudyante ko.

          Bakit ganito? Bakit ako nakakaramdam ng kaba? May masama bang nangyari kay Hanna?

          At isa pa, bakit ang daming missed call ni JD sa kanya? May problema ba si JD? At bakit tuwing magtatanong sya wala naman daw problema.

          Ang weird ng mga tao ngayon.

          "Sir, aabsent na naman daw po si Hanna bukas."

          Napabaling ako ng tingin sa baklang kaibigan ni Hanna na si Emerson.

          "At bakit naman daw? What is her reason this time?"

          Napakibit-balikat na lang sa kanya ang mga kaibigan ni Hanna.

          "Hindi din po namin alam Sir. Yung kuya nya lang ang nagsasabi sa amin. Sabi masama daw pakirmadam ni  Hanna kaya hindi muna sya papasok."

          "Kuya?" teka mukhang pamilyar ah! "May sakit ba sya?" hindi ko napigilan ang pag-aalala sa boses ko.

          "Hindi po namin sure Sir." sagot naman ni Bea, isa sa mga kaibigan ni Hanna. "Dati Sir yung klase nyo lang inaabsenan ni Hanna. Ngayon sa lahat ng subject namin hindi sya pumasok."

          So planado pala ang mga absent ni Hanna sa kanya ganoon?! Bakit? Hindi ba sya magaling magturo?

          "Sir, ayaw nya lang po talaga ng Math kaya sya laging absent sa klase nyo."

          "Nabasa mo ang nasa isip ko?!" tanong ko kay Emerson.

          "Hindi Sir. Hula lang."  ani nito saka ngumiti. "Pagnabasa ko na ang nasa isip nyo meaning soulmate na tayo!"

My Ex, My ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon